Derek ‘naiinis’ na laging nadadawit sa third party: Bakit ako pa rin?!

Derek ‘naiinis’ na laging nadadawit sa third party: Bakit ako pa rin?!

Pauline del Rosario - September 07, 2024 - 10:18 AM

Derek ‘naiinis’ na laging nadadawit sa third party: Bakit ako pa rin?!

PHOTO: Instagram/@maria.elena.adarna

MARIING itinanggi ng aktor na si Derek Ramsay ang kumakalat na chikang may kabit siya o third party sa kabila ng pagdistansya niya sa showbiz industry.

“Wala na nga ako, ang dami pa ring intriga. Grabe. Sabi ko nga, ‘Tigil-tigilan niyo ako. Bakit ako pa rin?’ Tahimik lang ako,” sey ni Derek sa recent interview niya with content creator at radio host na si Morly Alinio.

Inamin din ng aktor na mas naiirita na siya sa tuwing idinadamay ang kanyang buhay may asawa.

“Dati nung nasa showbiz, ‘di ko na lang pinapansin pero ngayon I’m stepping away. Nakakainis na [ako] pa rin,” wika niya.

Dagdag pa niya, “Dapat sanay na tayo jan pero hindi ko pa rin maintindihan bakit kapag third party, ako na naman.”

Baka Bet Mo: Ellen Adarna nabuntis pero nakunan; Derek Ramsay lutang: ‘We lost the baby’

“May asawa na nga ako. Ang dami dami rin naman diyang mga couples. Ako na naman lagi,” aniya pa.

Nang tanungin naman si Derek kung masaya siya ngayon sa kanyang buhay.

Ang sagot diyan ng hubby ni Ellen Adarna, “Oo, sobra very, very happy na ‘yung buhay ko ngayon sobrang kumpleto na, ‘yung families naming mag-asawa sobrang magkasundo.”

“Naghahanap nga ako ng problema kasi my life [now] is really, really good, I’m at peace, there’s no more stress, basta pag binless na kami ng baby girl or baby boy ready na ako,” patuloy niya.

Esplika pa ng aktor, “Yun [na] lang ang kulang sa buhay ko, but kahit wala masaya ako sa buhay ko kasi may baby Elias (anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz) na ako and I have the perfect wife, sometimes perfect.”

Kasunod niyan ay ibinunyag ni Derek na marami na ang nag-aabang na magkaroon na sila ng baby ni Ellen.

Kahit nga raw ang mommy niya ay panay ang punta sa Manaoag Church sa Pangasinan para ipanalangin ito.

Magugunita noong Hunyo lamang nang biglang naging usap-usapan sa social media ang celebrity couple na sina Derek at Ellen matapos ibandera ng una sa Instagram ang ilang sweet pictures nila ng misis, pati rin ang ilang litrato nilang tatlo kasama ang step son na si Elias.

Ang caption niya riyan, “Can’t wait @maria.elena.adarna Alam mo na! Lol”

Walang idinetalye ang mag-asawa, kaya naman ang netizens may kanya-kanyang comment na sa kung ano ang ipinapahiwatig ng couple.

Karamihan sa kanila, naniniwalang ipinagbubuntis na ni Ellen ang baby nila ni Derek.

Pero base sa interview ng aktor kay Morly ay wala pa silang ine-expect na baby ng kanyang misis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi, wala pa, wala pa,” sambit ng batikang aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending