Derek gusto pang magkaroon ng mga baby: I want a boy, Ellen wants a girl | Bandera

Derek gusto pang magkaroon ng mga baby: I want a boy, Ellen wants a girl

Ervin Santiago |January 03,2022
facebook
share this

Derek gusto pang magkaroon ng mga baby: I want a boy, Ellen wants a girl

Ervin Santiago - January 03, 2022 - 06:29 PM

Ellen Adarna, Derek Ramsay, Elias Modesto Cruz at Austin Ramsay

MAS gusto ng hunk actor na si  Derek Ramsay na baby boy ang maging panganay na anak nila ng kanyang misis na si Ellen Adarna.

Kinumpirma ni Derek na next year na nila balak ni Ellen na magkaroon ng sariling anak dahil gusto muna nilang i-enjoy ang kanilang unang taon bilang mag-asawa.

Nagpa-Q&A session ang aktor sa mga followers niya Instagram kahapon, Jan. 2 kung saan game na game nga niyang sinagot kahit ang mga maiintrigang tanong ng mga netizens.

Isa sa mga IG follower niya ang nang-usisa kung balak pa ba niyang magkaroon ng maraming anak. Sagot ni Derek sa kanya, “Yes. Probably next year. I want a boy, Ellen wants a girl.”

Kasunod nito, bumaling siya sa anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz at tinanong ng, “Do you want a brother or a sister?” Na sinagot ng sexy actress ng, “Girl. Sister!”

Tulad ni Ellen, meron na ring anak si Derek sa una niyang asawa (Mary Christine Jolly) si Austin na binata na ngayon.

Sinagot din ni Derek ang tanong tungkol sa plano nilang pagha-honeymoon ni Ellen sa Africa at kung totoong isasama nga nila si Elias kapag nagpunta sila roon.

Sagot ni Derek, looking forward na ras siya sa honeymoon nila ni Ellen na nakatakda na nga ngayong 2022 at talagang balak nilang isama si Elias sa kanilang vacation trip abroad.

“I am really looking forward to our honeymoon where we will be bringing this little boy to Africa,” aniya.

Sa isang panayam, ipinaliwanag naman ni Derek kung bakit nais nilang makasama ni Ellen ang bagets sa kanilang honeymoon.

“Gusto naming ma-experience ni Elias ‘yung mae-experience namin kasi, pinag-isipan namin ni Ellen ‘to e, kung nandoon kami tapos ‘yung makikita namin iwi-wish namin na siyempre makita ni Elias ‘yon.

“’Yung Safari, once mo lang gagawin yun, eh. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience din niya,” chika ng aktor.

Samantala, sinabi rin ni Derek na grabe ang nararamdaman niyang kaligayahan ngayon sa kanyang married life. Inilarawan pa niya itong “beautiful and wonderful.”

“I have never been this happy in my life,” pahayag pa ng aktor.

May nagtanong namang isang netizen kung ano ang maipapayo niya sa mga married couples lalo na sa mga mag-asawang nagsisimula pa lamang bumuo ng sarili nilang pamilya.

“The key is communication. You really need to know how to open up and speak out your mind, your heart and you have to be willing to listen as well,” mensahe ni Derek.

Ikinasal sina Ellen at Derek sa isang bonggang resort sa Bagac, Bataan noong Nov. 11, 2021.
Ibinandera naman nila ang kanilang engagement last March, isang buwan lamang ang nakalipas nang aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

Derek mas bumongga ang buhay dahil kina Ellen at Elias: It’s perfect! I love you baby!

Ellen Adarna buntis na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending