Angeli Khang sanay na sanay nang makipagchurvahan kay Jay Manalo; tumodo ng sex scenes sa ‘Selina’s Gold’
SANAY na sanay na si Vivamax Queen Angeli Khang sa pakikipag-love scene sa veteran actor at tinaguriang original “Totoy Mola” na si Jay Manalo.
Ilang beses na rin daw kasi silang nagkasama ng aktor sa pelikula ng Viva, kabilang na riyan ang sexy woman empowerment drama na “Girl Friday” at ang sex-suspense-thriller na “Mahjong Nights”.
At ngayon nga ay muli silang pinagtambal ng Vivamax sa sexy-period film na “Selina’s Gold” na idinirek ni Mac Alejandre kung saan makakasama rin nila sina Gold Aceron, Azi Acozta, Soliman Cruz at Mickey Ferriols.
“Iba talaga itong ‘Selina’s Gold’ kasi it‘s more intense, maraming mahihirap na lines at mabibigat na words kasi period film ito at hindi ako magaling sa mga Tagalog words na malalalim.
“Thanks to Direk Mac as he really guided me kaya nagawa ko yung mga mahihirap na scenes required from me.
“Since third time na namin ito ni Kuya Jay Manalo, I’m now very comfortable with him. This is the sexiest work we’ve done so far. Sa trailer pa lang, marami nang na-shock,” pahayag pa ni Angeli sa naganap na virtual mediacon ng “Selina’s Gold” kamakailan.
Ang Vivamax Original movie na ito ay kwento ng dalagang si Selina (Angeli Khang) noong panahon ng World War II sa Pilipinas at kung paano siya ibinenta ng sarili niyang ama para ipambayad sa utang.
Sapilitan na pinaalis si Selina sa kanilang bahay para magtatrabaho para sa matandang mayaman na sakim at abusado na si Tiago (Jay Manalo)
View this post on Instagram
Paulit-ulit na pagsasamantalahan ni Tiago si Selina, hanggang sa mapilitan na lang ang dalaga na tanggapin na ito na ang kapalaran niya at pilit na pakikisamahan si Tiago.
Sa lahat ng ito, isang bagay na lang ang pinanghahawakan ni Selina para hindi takasan ang masaklap niyang buhay, ito ay ang mahanap niya ang tinatagong kayamanan at mga ginto ni Tiago.
Magkakaroon din ng relasyon si Selina kay Domeng (Gold Aceron), ang bulag na katulong ni Tiago na madalas na nakikinig tuwing magtatabi sina Selina at Tiago. Magiging madugo ang mga pangyayari nang isa-isang lalabas ang mabibigat na rebelasyon na gugunaw sa kanilang pagkatao.
Maging sapat kaya ang yaman para makalimutan ni Selina katotohanang malalaman niya? O walang kahit na anong kapalit ang sakit na mararamdaman niya? Kahit pa ibigay sa kanya ang lahat ng yaman sa mundo.
Kuwento ni Direk Mac, “The story is based on whispered tales tungkol sa panahon ng Hapon, ng giyera. It was a harsh time for Filipinos. Karamihan sa atin kumapit sa patalim para mag-survive. Yun ang inspiration.”
“Matagal na itong story na ito pero hindi ko magawa-gawa. Until Viva asked me to re-pitch it to them. This time, sinwerte. Nabigyan ng go signal,” aniya pa.
Natanong din kung nape-pressure ba si Direk sa bago niyang obra lalo pa’t lahat ginawa ni Angeli sa Vivamax ay talagang nag-hit nang bonggang-bongga.
“Ako ang pinakalayunin ko ay ang makagawa ng magandang pelikula so, hindi ko iniisip yung ratings. Naniniwala ako na kapag maganda ang pelikula marami ang manonood so doon ang focus ko,” sagot ng direktor.
Para naman kay Angeli, “Hindi ko rin po tinitignan ‘yung aspect na yan. Ang gusto ko lang po makagawa ng magandang pelikula at maging better actress po.”
Panoorin ang “Selina’s Gold” exclusively sa Vivamax simula ngayong October 28.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.