Eksenang ‘kabit ka ng tatay ko!’ nina Daniel at Kathryn ikina-shock ng madlang pipol | Bandera

Eksenang ‘kabit ka ng tatay ko!’ nina Daniel at Kathryn ikina-shock ng madlang pipol

Ervin Santiago |July 03,2015
facebook
share this

Eksenang ‘kabit ka ng tatay ko!’ nina Daniel at Kathryn ikina-shock ng madlang pipol

Ervin Santiago - July 03, 2015 - 03:00 AM

KATHRYN BERNARDO AT  DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

PINATUNAYAN nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na karapat-dapat na rin silang tawaging aktor at aktres sa tunay na kahulugan nito.

Sa nakaraang episode ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo noong Miyerkules, ginulat nina DJ at Kath ang madlang pipol sa ipinakita nilang akting sa kanilang madrama at intense confrontation scene.

Dahil dito, muling nag-trending worldwide ang #PSYParaParaan ng nasabing teleserye at ang nakakalolang “Kabit ka ng tatay ko!” dialogue ni Daniel kay Kathryn.

Na-shock talaga ang viewers sa nasabing eksena dahil hindi nila inaasahan na ganu’n pala katindi ang unang makatotohanang confrontation scene ng Teen King and Queen.

Ang akala kasi ni Angelo (Daniel) ay kabit ng kanyang amang si Eduardo Buenavista (Ian Veneracion) si Yna (Kathryn) kaya dinala niya ito sa isang walang taong lugar at doon niya ito hinarap.

Dito na nagwala si Angelo at talagang sinigaw-sigawan si Kathryn hanggang sa tumumba sila sa lupa, ang akala nga ng ilang manonood ay gagahasain pa ni DJ si Kath sa nasabing eksena. Pero naitulak agad siya ng aktres at nagsimulang mag-explain kung bakit malapit siya sa ama nito.

In fairness, ‘yun din ang unang pagkakataon na napanganga kami sa akting ng magdyowa, totoong napakalayo na nga ng narating nila pagdating sa aktingan. Tapos na nga sila sa mga pa-tweetums at pa-cute-cute lang. Pwede na talaga silang isabak ng ABS-CBN at Star Cinema sa heavy drama.

Sa social media, inulan ng papuri sina Kathryn at Daniel, anila, hindi nila in-expect na ganu’n katinding akting ang ipakikita ng dalawa.

Ang Pangako Sa ‘Yo ay napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa direksiyon nina Rory Quintos, Dado Lumibao at Cathy Garcia-Molina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending