Elijah Canlas walang takot na nagpakita ng pwet; naaksidente sa shooting ng 'Livescream' | Bandera

Elijah Canlas walang takot na nagpakita ng pwet; naaksidente sa shooting ng ‘Livescream’

Reggee Bonoan |October 30,2022
facebook
share this

Elijah Canlas walang takot na nagpakita ng pwet; naaksidente sa shooting ng ‘Livescream’

Reggee Bonoan - October 30, 2022 - 07:40 PM

Elijah Canlas walang takot na nagpakita ng pwet; naaksidente sa shooting ng 'Livescream'

Elijah Canlas

SOCIAL media influencer ang karakter ni Elijah Canlas sa pelikulang “Livescream” na idinirek ni Perci Intalan under IdeaFirst Company at Viva Films pero hindi naman mahilig mag-follow ng sikat na influencers ang aktor sa totoong buhay.

Ang katwiran niya, “I don’t really follow influencers, but I do follow some vloggers mas international, mga friends from the industry also siyempre susuportahan mo ‘yung blogs nila but I do really respect their jobs and careers.

“Hindi ko nga kaya gawin ‘yun sa totoo lang gusto ko pero ibang level din ng skills, I do respect them pero it’s not siguro for me lang,” sabi ni Elijah.

Willing ba siyang i-share sa publiko ang lahat ng tungkol sa buhay niya since public property siya? “Hindi po!” matipid na sagot ng aktor.

Samantala, natanong kung nagsi-seek ba ng revenge ang aktor kapag may gumawa sa kanya ng hindi maganda.

“Hindi po, mas (naniniwala) ako sa karma kasi hindi masyadong maasahan ang justice, so, naniniwala po ako sa karma, naniniwala ako sa universe and I think moving on or forgiving which is really hard and it will take a lot of sometime for some people pero moving on and forgiving would grant you peace of mind na lang,” opinyon ni Elijah.

Samantala, mahilig gumawa ng gimik o may mga pina-prank na mga tao ang laman ng YT ni Elijah bilang si Exo para makarami ng views kasama ang girlfriend niyang si Phoebe Walker bilang si Amanda na vlogger din.

Hanggang sa may mga naiinggit na rin sa kanya at para makaganti ay kinidnap siya at ikinulong at maraming pinagawa na talagang masasabing “kadiri” sa torture wall at higit sa lahat, nagpakita ng butt si Elijah at naka-live stream siya bilang ganti ng kumidnap. p
Pinarusahan din ang lola niya bukod sa kasintahan.

Halos 80% ng pelikula ay topless ang bida ng “Livescream” at inamin nitong physically at mentally hirap siya.

Aniya, “I was topless and barefoot for most of the film too. Covered in fake blood and dirt everyday. Had an accident during one of the stunts. But what’s most memorable is the fact that I had a ton of ‘niknik’ bites. Grabe yung mga sand mites na yun. My body was so red and so itchy. “

Resulta pala ng kagat ng niknik ang katawan ni Elijah kaya pala hindi maganda ang likod nito na inakala rin namin na may allergies siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)


Pagpapatuloy ng aktor, “You have no idea. I couldn’t sleep at some point during the lock-in shoot. Nahirapan na rin akong huminga at times dahil umabot na siya sa leeg ko. It was wild!”

Ang nakakagulat pang eksena ay ang paghubarin ang aktor at nakita ang buong butt nito dahil sa isang eksena na may oral sex mula sa isa pang karakter na ginagampanan ni Kat Dovey.

Nagbiro si Elijah na kaya niyang mag-frontal pero ang totoo alanganin siya sa eksenang iyon at tinanong niya si direk Perci tungkol dito.

“Hindi ko naman gagawin ‘yun kung hindi kailangan sa eksena. At saka ipinaalam ko ito sa parents ko even sa girlfriend ko (Miles Ocampo). I’m so glad that they were all very supportive. Aside from that nandun yung tiwala ko kay direk Perci na hindi niya ako pababayaan.”

Noong trailer palang ng “Livescream” ang napapanood namin sa tuwing may private screening ang Vivamax ay natatakot na kami kasi nga horror pero nu’ng sabihin sa amin na nakakatawa ito ay na-curious kami.

At totoo nga, seryoso si Elijah sa mga eksena pero funny ang atake ni direk Perci na umaming hindi dapat dire-diretsong nakakatakot ang scenes, dapat may panahong huminga.

Mapapanood ang “Livescream” sa Nobyembre 9 sa Vivamax Plus, kasama rin sa pelikula sina Jerald Napoles, Lucky Mercado at ilang influencers.

Elijah Canlas type jowain sina Bea, Kathryn, Maja at Liza

Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending