Elijah Canlas pinu-push makipag-kissing scene si Miles Ocampo: 'Nu'ng magkasama kami sa work, ayaw talaga niya!' | Bandera

Elijah Canlas pinu-push makipag-kissing scene si Miles Ocampo: ‘Nu’ng magkasama kami sa work, ayaw talaga niya!’

Ervin Santiago |March 05,2023
facebook
share this

Elijah Canlas pinu-push makipag-kissing scene si Miles Ocampo: ‘Nu’ng magkasama kami sa work, ayaw talaga niya!’

Ervin Santiago - March 05, 2023 - 07:31 AM

Elijah Canlas pinu-push makipag-kissing scene si Miles Ocampo: 'Nu'ng magkasama kami sa work, ayaw talaga niya!'

Elijah Canlas at Miles Ocampo

GAME na game ang award-winning young actor na si Elijah Canlas na magpaka-daring at mas maging palaban sa hubaran sa mga susunod niyang proyekto.

Pero inamin ng binata na ipinaaalam muna niya sa kanyang mga magulang at sa girlfriend na si Miles Ocampo bago siya gumawa ng mga sex scenes.

Tulad na lang ng ginawa niya sa suspense-thriller na “LiveScream” mula sa The IdeaFirst Company kung saan nagpakita siya ng kanyang hubad na katawan.

Nakachikahan ng BANDERA si Elijah nang i-welcome siya ng Cornerstone Entertainment noong Martes bilang pinakabago nilang talent.

Dito sinabi nga niya na bago sumabak sa mga intimate at daring scenes ay super paalam muna siya  sa kanyang management at kapag okay na ay saka niya sasabihin kay Miles at sa mga parents.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)


“And with the right project, yes I can be bolder pa sa ginawa ko sa ‘Livescream.’ When I did the ‘Livescream’ I want to explore the other side talaga.

“And na-achieve naman namin iyon. And I’m so proud sa project na iyon, it’s just wala masyado nakapanood kasi nasa Vivamax Plus kami and hindi siya na-screen sa theater kasi R-Rated nga,” ayon kay Elijah.

“Ipinagpaalam ko po sa dyowa ko (Miles) and sa parents ko. Pero mas madali nang ma-convince ang parents ko at si Miles kapag okey na sa management ko ang project. So it’s always starts with my management,” ani Elijah.

E, kung si Miles ang gagawa ng  daring or sexy movies, papayagan din ba niya? “Kung tama po ang project, yes. Ako po nga po ang nagpu-push sa kanya na magkaroon ng kissing scene. Kasi bago naging kami never pa siya nakipag-kissing scene. Very conservative siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)


“Dati nagka-work kami, may kissing scene kami, ayaw niya. Kasi never pa siya nagka-kissing scene. Kaya noong naging kami na may karapatan na akong sabihan siya na, ‘hey oras na i-explore mo ang side na ito. You have to be braver with your choices and everything.’

“And she has many projects na nagawa na hindi pa naipalalabas and she’s excited,” aniya pa.

Ang reaksiyon naman daw ni Miles sa kanya, “Natawa po siya kasi baligtad kami. Siya naman ayaw niya akong may kissing scene.”

Nang mapanood daw ni Miles ang lovescene nila ng Vivamax sexy star na si Katrina Dovey sa “Livescream”, “Noong time na iyon wala na siyang magagawa kasi tapos na. Ang sinabi na lang niya, ‘congratulations.’

“Pero honestly, I felt na she’s sincere when she said na ‘he’s proud of me.’ Late siya noong screening pero bumubulong siya na super proud siya sa akin kasi alam niya ang pinagdaanan ko with that project.

“I remember when I’m preparing for ‘Livescream,’ hesitant siya sabi niya, ‘kailangan ba talaga? Kailangan ba talaga?’ But it makes sense kasi ganoon naman talaga kapag partner mo, very possessive sometimes.

“Sometimes ganoon din ako but at the end of the day we will support each other lalo na if it’s other’s best,” ang explanation ng bagong Cornerstone talent.

Natanong din naman si Elijah kung ipinaalam ba ni Miles sa kanya ang rape scene na ginawa sa “FPJ’s Batang Quiapo” na talagang nag-viral sa social media.

“Ipinaalam naman niya kasi nabasa ko rin ang script niyon. Kasi nga we help each other to prepare sa mga project namin. Natawa ako noong una, sabi ko ‘game.’

“I said it’s a powerful scene at siya ang makagagawa ng tama. ‘Tama na ikaw ang gagawa niyan.’ Excited ako sa anumang gagawin niya and she did amazing,” aniya.

Ngayong 2023, sunud-sunod ang projects ni Elijah kabilang na riyan ang “About Us and Not About Us” na kabilang sa Magic 8 ng Summer Metro Manila Film Festival sa darating na Abril at ang history drama na “GomBurZa.”

Elijah Canlas inaming ‘the one’ si Miles Ocampo: ‘Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga

Elijah Canlas may entry na sa Summer MMFF 2023, bibida pa sa Pinoy remake ng Korean movie at ‘GomBurZa’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending