Ruffa happy sa 'renewed friendship' kay Gretchen; dyowa nga ba talaga si Herbert? | Bandera

Ruffa happy sa ‘renewed friendship’ kay Gretchen; dyowa nga ba talaga si Herbert?

Therese Arceo |January 19,2022
facebook
share this

Ruffa happy sa ‘renewed friendship’ kay Gretchen; dyowa nga ba talaga si Herbert?

Therese Arceo - January 19, 2022 - 06:30 PM

Ruffa happy sa 'renewed friendship' kay Gretchen; dyowa nga ba talaga si Herbert?
MATAGAL nang usap-usapan kung magdyowa nga ba ang aktres na si Ruffa Gutierrez at ang senatorial-aspirant na si Herbert Bautista ngunit hanggang ngayon ay wala pang direktang kumpirmasyon na nanggagaling sa dalawa.

Kaya naman sa latest vlog ni Aiko Melendez ay laking tuwa niya nang mahulaan ng psychic expert na si Jovi Vargas ang tungkol sa love life ng kaibigang si Ruffa.

Naitanong kasi niya sa psychic expert kung ano ang nagkatotoong hula niya at nabanggit nito ang tungkol sa bagong pag-ibig ni Ruffa.

“Na sila na ni Herbert?” sundot naman ni Aiko na siyang ikinatawa ni Jovi.

“Hindi ako ang nagsabi non!” depensa naman ng psychic expert.

Hindi pa sila… Pagka-pangalawang punta niya, kasi the day before punta ulit siya e. Pag-ganon ko, teka muna boyfriend mo na ‘to no? Tawa siya,” dagdag pa ni Jovi.

Dagdag tanong ni Aiko, may chance ba na magkatuluyan sina Ruffa at Herbert lalo na’t deserving naman daw na sumaya ang kanyang kaibigan.

Sagot naman ni Jovi, magkakaroon daw ng problema patungkol sa nakaraan ni Herbert na magiging hadlang sa kanilang relasyon ni Ruffa maliban na lang daw kung mapapanindigan ito ni Herbert.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

So may chance nga ba na kaya hindi pa sila umaamin dahil may inaayos pa si Herbert sa kanyang past?

Well, hula lang naman ito at gabay lamang so hindi rin natin sigurado kung totoo ba ito o hindi dahil nasa tao pa rin naman ang desisyon sa nais nitong mangyari sa sariling buhay.

Anyway, happy naman si Ruffa dahil may nagbabalik sa kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang regalo sa kanyang fresh fruits ni Gretchen Barretto.

“Renewed friendship,” saad ni Ruffa sa kanyang IG story. Nagpasalamat rin ito kay Greta sa mga ipinadalang regalo sa kanya.

“”I’m so happy we’re communicating again. Hope to see you soon,” saad pa ni Ruffa.

Ni-repost naman ni Gretchen ang mga IG stories ni Ruffa.

Matatandaang noong 2019 nang tila magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa matapos madamay ni Ruffa sa awayan ng pamilya Barretto.

Ngayon nga ay mukhang nagkaayos na ang dalawa makalipas ang ilang taon at halata namang masayang masaya rin ang dalawang kampo sa kanilang renewed friendship.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Annabelle Rama: Magandang influence si Herbert kay Ruffa
Ruffa, Herbert magkasamang nag-celebrate ng Pasko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending