Ruffa, Herbert magkasamang nag-celebrate ng Pasko | Bandera

Ruffa, Herbert magkasamang nag-celebrate ng Pasko

Therese Arceo |December 25,2021
facebook
share this

Ruffa, Herbert magkasamang nag-celebrate ng Pasko

Therese Arceo - December 25, 2021 - 09:17 PM

Ruffa, Herbert magkasamang nag-celebrate ng Pasko

SPOTTED ang dating mayor ng Quezon City at senatorial aspirant na si Herbert Bautista kasama ang dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez ngayong Pasko,

Sa Tiktok video na in-upload ng aktres na makikitang nagkakaroon ng exchange gift ang pamilya Gutierrez at nagkakabukasan na ng regalo.

Ngunit hindi naman nakatakas sa mata ng mga “Marites” ang presenya ni Herbert sa video kung saan kausap nito si Monching Gutierrez.

Sa huli ay kinalabit rin siya ni Ruffa para tumingin at mag-hi sa camera.

So true nga kaya ang chika na mayroon talagang something sa pgitan ng dalawa at kasama na si Herbert sa mga gatherings ng pamilya ni Ruffa?

Matagal nang usap-usapan kung may relasyon nga ba ang dalawa na nagsimula noong sabihin ni Kris mayroong nang “beautiful” girlfriend ang senatorial aspirant kaya sana ay huwag na nitong balikan pa ang kanilang nakaraan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Wala namang direktang pag-amin mula sa dalawa at maski nga ang ang ina ng aktres na si Tita Annabelle ay tinanong na kung magdyowa na nga ba ang dalawa.

Wala ring nakuhang direktang kumpirmasyon mula kay Tita Annabelle at ang tanging sinabi lang nito ay magandang impluwensya si Herbert sa anak.

“Magandang influence si Herbert kay Ruffa. Si Herbert ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college, kaya nag-enroll si Ruffa. Nag-aaral siya online at next year, matatapos na,” sey ni Tita Annabelle.

“Saka ang sipag ni Ruffa sa pag-aaral. Pati sa paggawa ng mga homeworks. Tinutulungan siya ni Herbert pati sa pagre-review.

“Alam ko kapag nagpupunta si Herbert kay Ruffa, may dala pang mga libro. Tinutulungan talaga niyang mag-aral si Ruffa. Sino ba ang hindi matutuwa? Kaya nga kami, nagsu-support talaga sa kandidatura ni Herbert sa pagka-senador!” pagpapatuloy nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nagkasama naman ang dalawa sa series na “The House Arrest of Us” nitong 2020 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan sila ang gumanap na magulang ng dalaga.

Related Chika:
Annabelle Rama: Magandang influence si Herbert kay Ruffa

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending