Annabelle Rama: Magandang influence si Herbert kay Ruffa Bandera

Annabelle Rama: Magandang influence si Herbert kay Ruffa

Reggee Bonoan |December 02,2021
share this

Annabelle Rama: Magandang influence si Herbert kay Ruffa

Reggee Bonoan - December 02, 2021 - 12:22 PM

Annabelle Rama, Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez

FOLLOW-UP ito sa naisulat namin kahapon dito sa BANDERA tungkol sa sagot ni senatorial aspirant Herbert Bautista kung girlfriend na niya si Ruffa Gutierrez.

Kasi nga ang aktres ang nanita sa Twitter admin ng aktor at politiko na ayusin ang pagpo-post or else matsutsugi siya sa trabaho.

Hindi na namin kailangang isulat kung ano ang dahilan ng pagsita ni Ruffa sa Twitter admin ni HB dahil alam na ng lahat.

Ang naging sagot ni Bistek kung girlfriend na niya si Ruffa, “Ganito na lang alamin muna ninyo kay tita Annabelle kung ano ang gusto niya para kay Ruffa. 

“Kayo na lang magtanong, after this (mediacon) puntahan n’yo si tita Annabelle para malaman ko kung ano gusto niya para kay Ruffa, ‘Yun na lang,” kaswal na sabi ni Bistek.

Ang publicist ng mga Gutierrez na si Jun Lalin ang nagtanong kay Annabelle. Tugon ng ina ni Ruffa, “Magandang influence si Herbert kay Ruffa. 

“Si Herbert ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college, kaya nag-enroll si Ruffa. Nag-aaral siya online at next year, matatapos na.

“Saka ang sipag ni Ruffa sa pag-aaral. Pati sa paggawa ng mga homeworks. Tinutulungan siya ni Herbert pati sa pagre-review,” kuwento ni Annabelle.

View this post on Instagram

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Sabi pa ng talent manager, “Alam ko kapag nagpupunta si Herbert kay Ruffa, may dala pang mga libro. Tinutulungan talaga niyang mag-aral si Ruffa.

“Sino ba ang hindi matutuwa. Kaya nga kami, nagsu-support talaga sa kandidatura ni Herbert sa pagka-senador!” sey ni Bisaya.

Sabi pa ni Jun, “O, ayan ang dialogue ni Bisaya, wala siyang sinasabing may relasyon sina Ruffa at Herbert, huh!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hmmmm, feeling namin may unawaan na talaga sina Herbert at Ruffa. Kayo ba? 

Herbert Baustista may patama kay Kris; Mel Sarmiento ‘di napigilang magsalita

Si Tita Annabelle ang tanungin n’yo kung sino ang gusto niya para kay Ruffa – Herbert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending