Dating asawa ni Ruffa Gutierrez muling nakasama ang dalawang anak na sina Lorin at Venice Bandera

Dating asawa ni Ruffa Gutierrez muling nakasama ang dalawang anak na sina Lorin at Venice

Therese Arceo |June 11,2022
share this

Dating asawa ni Ruffa Gutierrez muling nakasama ang dalawang anak na sina Lorin at Venice

Therese Arceo June 11, 2022 - 02:38 PM

Dating asawa ni Ruffa Gutierrez muling nakasama ang dalawang anak na sina Lorin at Venice

FINALLY ay nagkita nang muli ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice at ang ama nitong naka-base sa Istanbul na si Yilmaz Bektas.

Labinglimang taon ring nagkahiwalay ang mag-aama at ngayon na lang ulit sila muling nagkasama.

Emosyonal ang tatlo nang magkita sa international airport ng Turkey dahil sinalubong ni Yilmaz ang kanilang mga anak ni Ruffa sa pagdating nila sa kanilang bansa.

Sa Instagram ay nagbahagi ang beauty queen-actress ang video ng unang pagkikita ng mag-aama.

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15-years of being apart,” saad ni Ruffa na may hashtags pang “#NewBeginnings” at “#TogetherAgain”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Kahapon ay ibinahagi rin niya ang larawan nila ng dalawang anak nang ihatid niya ang mga ito sa airport.

“5:30am drop off for Lorin & Venice’s morning flight to Istanbul. The girls are super looking forward to reuniting with their Baba and Turkish loved ones after more than a decade.

“My cuties, have a meaningful, memorable and fun trip! Take lots of pics & videos. Better yet, vlog! I love you,” sey ni Ruffa.

Nag-comment naman ang ilan sa mga kaibigan ng beauty queen-actress na super happy sa muling pagkikita ng mag-aama na nawalay nang matagal sa isa’t isa.

“I can’t with this. Thank you so much to [Yilmaz] also. You can all begin to heal. God is good,” comment ni Jackie Forster.

Saad naman ni Almira Muhlach, “Happy for the girls!!! So precious.”

Maging ang kapatid nitong si Raymond Gutierrez ay napaiyak nang magkitang muli ang kanyang mga pamangkin at ang daddy nito.

Wala namang sinabi si Ruffa kung hanggang kailan mananatili ang dalawang anak sa Istanbul ngunit paniguradong susulitin ng mga ito ang bawat araw na magkakasama lalo na at marami-rami ring taon ang ika-catch up ng mag-aama.

Related Chika:
Ruffa Gutierrez ibinunyag ang ‘reunion’ ng mga anak sa amang nasa Istanbul

Hugot ni Ruffa para sa 18th b-day ni Lorin: Wag munang mag-boyfriend! Gosh, I sound like my mom!

Anak ni Ruffa pinainit ang socmed sa pasabog na bikini photo: Nag-shorts ka pa!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending