Anak ni Ruffa pinainit ang socmed sa pasabog na bikini photo: Nag-shorts ka pa! Bandera

Anak ni Ruffa pinainit ang socmed sa pasabog na bikini photo: Nag-shorts ka pa!

Ervin Santiago |March 30,2021
share this

Anak ni Ruffa pinainit ang socmed sa pasabog na bikini photo: Nag-shorts ka pa!

Ervin Santiago March 30, 2021 - 09:35 AM

PINAINIT ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez Bektas ang social media nang bumandera ang bago niyang pasabog na bikini photo.

Pinusuan at ni-like ito ng mga netizens pati na ng ilang celebrities at nakakuha rin ng sandamakmak na comments.

Makikita sa nasabing Instagram post ni Lorin ang super seksi niyang litrato suot ang kanyang hot na hot na bikining itim with short shorts na maong. Nilagyan niya ito ng caption na, “I need to stop wearing caps.”

Unang nag-comment sa post ang nanay ni Lorin na tila may halong “galit”, “Nag-shorts ka pa!”

“Cover yourself,” ang komento naman ng uncle ni Lorin na si Richard Gutierrez. Hirit pa niya, “I don’t want any of these guys checking you out.”

Napa-comment din sa kaseksihan ng dalagang anak ni Ruffa ang mga celebrities tulad ng matapang na anak ni Megastar Sharon Cuneta n si Frankie Pangilinan, at ang daughters ni Sunshine Cruz na sina Angelina at Sam Cruz.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan ang sexy photos ni Lorin sa social media. May ilang pagkakataon na ring nag-viral at nag-trend ang mga litrato niyang naka-bikini na ipino-post niya sa Instagram.

At karamihan nga sa mga comments ng kanyang followers ay nagsasabing pwedeng-pwede rin siyang maging beauty queen tulad ng kanyang nanay.

Sa isang panayam sinabi ni Ruffa na naging 2nd runner-up sa Miss World pageant noong 1993 na may potensyal naman si Lorin na maging beauty queen, hindi lang sa itsura at katawan.

“Ang importante kasi is iyong may utak, e. Hindi lang iyon focus puro katawan. Second na lang iyon,” sey ni Ruffa.

Sabi naman ni Lorin sa mga humihikayat sa kanya na mag-join sa beauty pageant kapag ready na siya, “If the opportunity comes and if I decide to change my mind, then of course, I’m not going to say no to anything right now because I’m still young. My mind can change pa.”

Si Lorin ay 17 years old na ngayon. Siya ang panganay ni Ruffa sa dati niyang asawang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending