Ruffa shookt sa pagmumura ng anak na si Lorin Bektas nang kantahin ang ‘Ere’ ni JK Labajo: ‘What? Did you say bad words?’
SINITA ng aktres at TV host na si Ruffa Gutierrez ang kanyang anak na si Lorin Bektas matapos itong magmura habang magka-video call silang mag-ina.
Shookt si Ruffa nang marinig niyang magsalita ng “put*ng i*a” ang dalagang anak habang kausap siya at kumakanta.
Tinanong niya si Lorin kung bakit siya nagmura, sagot ng dalagang anak, mula raw ito sa awitin ni JK Labajo na “Ere”. “What? Did you say bad words?” ang tila nagugulang tanong ni Ruffa kay Lorin.
Base sa caption ng TikTok video ni Lorin, nasa California ngayon ang dalaga kung saan siya nag-aaral ngayon. Sey namam ni Ruffa, kahit daw nasa ibang bansa si Lorin ay updated pa rin ito sa mga kaganapan sa Pilipinas.
Baka Bet Mo: 2 anak ni Ruffa pabalik na ng Pinas, emosyonal nang magpaalam kay Yilmaz Bektas: Until we are all together again…
“Morning chikahan with @lorin. She knows all the latest in the Philippines even if she’s a universiry student in Malibu, California.
“Grabeeeee!! Take singing lessons na. (And) don’t say BAD WORDS! #MotherDaughter #foryou,” ang paalala ng TV host at aktres sa anak nila ni Ylmaz Bektas.
Ang reaksyon naman ni Lorin sa ipinost ng nanay niya sa social media, “Why are u exposing me?”
“Well…” ang tanging naisagot ni Ruffa.
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang kantang “Ere” ni JK ang kauna-unahang OPM song na nakapasok sa global hit chart ng music-streaming na Spotify.
* * *
Tatlong bagong ABS-CBN News digital content ng mga balita, impormasyon, at entertainment ang inilunsad ng ABS-CBN News noong weekend sa hangaring palawakin pa ang pamamahayag.
Salit-salitan sina Ganiel Krishnan at MJ Felipe sa pag-host ng lingguhang recap ng pinakamalalaking kuwento sa showbiz at entertainment na ipinalabas sa TV Patrol. Ipapalabas sa ABS-CBN News Facebook page (facebook.com/abscbnnews) tuwing 4 p.m. ang episode, isang araw pagkatapos ng YouTube run nito.
Handog din ng news team ang “Bistado M.O. (Modus Operandi)”, na muling bibisitahin ang mga kaso ng krimen at mga scam na sakop ng metro at justice reporters ng ABS-CBN at payuhan din ang mga manonood kung paano maiiwasan na maging biktima.
Pangungunahan ito ng veteran police reporters na sina Zyann Ambrosio at Jeff Caparas simula 4:30 pm tuwing Sabado sa ABS-CBN News YouTube channel at Linggo sa ABS-CBN News Facebook page.
Ipapalabas din ang “Patrol ng Pilipino: Playlist,” sa pangunguna ng mga mamamahayag ng ABS-CBN, na magpapakita ng mini-newsmagazine ng mga vertical video na orihinal na inilabas ng “Patrol ng Pilipino”, ang mobile journalism initiative ng news organization.
Baka Bet Mo: Hugot ni Ruffa para sa 18th b-day ni Lorin: Wag munang mag-boyfriend! Gosh, I sound like my mom!
Nagho-host ang bawat reporter ng isang compilation ng content ayon sa konsepto, mula sa on-the-spot na mga coverage at explainers, hanggang sa mga feature sa pagkain at pamumuhay. Kasama sa reporters ay sina Doris Bigornia, Michael Delizo, at Ganiel.
Ipapalabas ang “Patrol ng Pilipino: Playlist” tuwing Linggo ng 11 am sa Patrol ng Pilipino (facebook.com/patrolngpilipino) at ABS-CBN News Facebook pages. Mapapanood ito sa YouTube channel ng ABS-CBN News tuwing 6 pm.
“These digital offerings are in response to the public’s need for reliable and engaging stories and continue the Kapamilya news team’s mission of finding more ways to serve the Filipino wherever they may be,” sabi ni Francis Toral, head ng ABS-CBN News.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.