2 anak ni Ruffa pabalik na ng Pinas, emosyonal nang magpaalam kay Yilmaz Bektas: Until we are all together again... | Bandera

2 anak ni Ruffa pabalik na ng Pinas, emosyonal nang magpaalam kay Yilmaz Bektas: Until we are all together again…

Ervin Santiago |June 23,2022
facebook
share this

2 anak ni Ruffa pabalik na ng Pinas, emosyonal nang magpaalam kay Yilmaz Bektas: Until we are all together again…

Ervin Santiago - June 23, 2022 - 06:50 PM

Ruffa Gutierrez, Lorin, Venice at Yilmas Bektas

NAKAKA-TOUCH ang pagpapaalam ng mga anak ni Ruffa Gutierrez sa kanilang tatay na si Yilmaz Bektas makalipas ang ilang araw na pagbabakasyon sa Istanbul, Turkey.

Mismong ang half-sister nina Venice at Lorin na si Ilknaz ang nag-share sa social media ng kanilang video habang nakayakap at nagpapaalam sa kanilang Turkish father para umuwi na ng Pilipinas.

Sa Instagram video ni Ilknaz makikita ang emotional moment sa pagitan ng mag-aama habang nagyayakapan sa Istanbul airport, ilang minuto bago ang kanilang flight.

Ni-repost ni Lorin sa kanyang Instagram Stories ang nasabing video at nilagyan ng heart emoji na may caption na, “Until we are all together again.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkita ang mag-aama makalipas ang 15 years. Nagkahiwalay sina Ruffa at Yilmaz noong 2007 at mula nga noon ay hindi na nakapiling nina Lorin at Venice ang ama.

Samantala, nag-post din si Ruffa sa IG ng mensahe para sa dalawang anak. Aniya, excited na siyang marinig ang mga ikukuwento ng mga ito tungkol sa naging trip nila sa Istanbul.

“12 days with their father after 15 years of not seeing each other was certainly a trip Lorin and Venice will never forget for the rest of their lives.

“I can’t wait to hear all about it when they get home in time for my birthday,” sabi ni Ruffa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Patuloy pa niya, “To my friends and followers, thank you for your messages. I may not be able to answer to all but know that I am grateful for each and every one of you.

“To Yilmaz, Annem, Babam, Kesra, Nazo, Handan and to the Bektas family… her şey için çok teşekkür ederim (thank you for everything). Till next time,” pahayag pa ng aktres at dating beauty queen.

Nagbahagi rin siya ng mensahe para sa lahat ng pamilyang Pinoy na dumaraan din sa sitwasyon na tulad ng sa kanila.

“To families going through similar experiences, thank you for sharing your heartwarming stories with me.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Reach out to your estranged loved one today and remember that as long as you’re alive, there’s always hope. May your past no longer block your view of the present,” paalala pa ni Ruffa.

Ruffa Gutierrez ibinunyag ang ‘reunion’ ng mga anak sa amang nasa Istanbul

Dating asawa ni Ruffa Gutierrez muling nakasama ang dalawang anak na sina Lorin at Venice

Anak ni Ruffa pinainit ang socmed sa pasabog na bikini photo: Nag-shorts ka pa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending