Ruffa Gutierrez nilinaw na walang isyu sa ABS-CBN

Ruffa Gutierrez nilinaw na walang isyu sa ABS-CBN: ‘Nang-iintriga lang talaga ang iba!’

Pauline del Rosario |October 06,2023
facebook
share this

Ruffa Gutierrez nilinaw na walang isyu sa ABS-CBN: ‘Nang-iintriga lang talaga ang iba!’

Pauline del Rosario - October 06, 2023 - 02:38 PM
Ruffa Gutierrez nilinaw na walang isyu sa ABS-CBN: ‘Nang-iintriga lang talaga ang iba!’
PHOTO: Instagram/@iloveruffag

ILANG buwan matapos masuspinde ang kanyang talk show sa ALLTV, sinabi ng dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez na walang siyu sa pagitan nila ng media giant na ABS-CBN.

Ito ang nilinaw niya mismo sa naging ambush interview ng ilang miyembro ng entertainment press sa naging media conference ng upcoming teleserye na pinamagatang “Can’t Buy Me Love.”

Ayon pa nga kay Ruffa, lubos siyang nagpapasalamat sa Kapamilya network dahil kahit siya’y freelancer lamang ay nabibigyan pa rin siya ng mga proyekto nito.

“Alam mo, wala namang intriga eh,” sagot niya.

Giit pa niya, “I have a good relationship with ABS-CBN. Ang mga iba lang talaga nang-iintriga.”

Baka Bet Mo: Ruffa super work na sa edad 13 kaya never umasa sa lalaki: ‘I can buy naman my own flowers and jewelry’

“I’m also a freelancer kaya maraming, maraming salamat na nabigyan ako ng opportunity to be a part of [Can’t Buy Me Love],” dagdag pa niya.

Nabanggit din niya na bukod sa kanya, naging mabuti rin ang nasabing TV network sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang kapatid na si Richard Gutierrez na patuloy pa ring nabibigyan ng mga proyekto.

Sambit niya, “I’m just very grateful. Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN, they’ve been really good to the [Gutierrez] family and maraming salamat kina Sir Carlo, Sir Mark, Tita Cory,” sambit ni Ruffa.

“Sana tuloy-tuloy ang projects,” aniya pa habang tinutukoy ang ABS-CBN CEO na si Carlo Katigbak, chairman na si Mark Lopez, at COO for Broadcast na si Cory Vidanes.

Nabanggit din ng dating beauty queen na kahit nagkaroon ng shutdown ang ABS-CBN noong 2020 ay patuloy pa ring nagsu-survive ito at nananatiling solid ang mga bumubuo rito.

“After the shutdown, we are all still together. We are able to survive and we’re doing very, very well,” sambit niya.

Bago ang “Can’t Buy Me Love,” naging parte si Ruffa ng talk show na may titulong “M.O.M.S — Mhies on a Mission” kasama sina Mariel Rodriguez at Ciara Sotto. 

Umere ‘yan sa ALLTV, ngunit kasalukuyan itong ipinahinto dahil sa technical issues.

Tumampok din ang aktres sa controversial film na “Maid in Malacañang,” pati na rin sa sequel nito na “Martyr or Murderer.”

Related Chika:

Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: ‘Only God knows kung magkakatuluyan kami in the future or not’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vin, Sophie ipinakilala na sa publiko ang kanilang ‘giant baby’, pinangalanang Avianna Celeste

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending