Ruffa sa kumakalat na ‘fake news’ tungkol sa ina: ‘Block & report!!!’

Ruffa sa kumakalat na ‘fake news’ tungkol kay Annabelle: ‘Block & report!!!’

Pauline del Rosario - October 12, 2024 - 04:33 PM

Ruffa sa kumakalat na ‘fake news’ tungkol kay Annabelle: ‘Block & report!!!’

PHOTO: Instagram/@iloveruffag

TILA naloka ang celebrity mom na si Ruffa Gutierrez matapos matuklasan ang kumakalat na balita tungkol sa naging opinyon umano ng kanyang ina na si Annabelle Rama.

Ito ay kaugnay sa namumuong pag-ibig sa pagitan ng aktres na si Janine Gutierrez, at batikang aktor na si Jericho Rosales, kasama na ang ex-boyfriend ng una na si Paulo Avelino.

Sa Instagram Story, ibinandera ni Ruffa ang screenshot ng isang headline na inupload ng IG user na @adoringkimpau.

Makikita ang split photo nina Annabelle at Paulo, kalakip ang title na: “Noon pa man hindi na kita gusto para kay Janine, babaero ka.’

Bukod diyan, may caption pa nga ito na ang nakalagay ay, “Si Annabelle Rama ay nagpahayag ng suporta kay Jericho Rosales para kay Janine Gutierrez, at sinabing mas bagay sila kumpara kay Paulo Avelino dahil mas mature at seryoso si Jericho.”

Baka Bet Mo: ‘New look’ ni Annabelle Rama, aprub sa mga netizens: ‘Mas bumata ka po’

Ipinagdiinan ni Ruffa na isa itong “fake news” dahil walang sinabing ganyan ang kanyang ina.

“FAKE NEWS ALERT!!!” bungad sa kanyang story.

Paalala niya sa publiko, “Before posting, make sure you get your facts STRAIGHT. Netizens, before you comment, mag-research muna kayo.”

Kasunod niyan ay hiniling niya sa kanyang followers na i-block at i-report ang nasabing account na nagpapakalat ng maling balita.

Naikuwento rin ni Ruffa na tinanong muna niya kay Annabelle kung totoo nga ang nakalagay sa headline, pero ang sabi raw sa kanya: “Pakialam ko sa kanila! Busy ako, ‘day!”

Ruffa sa kumakalat na ‘fake news’ tungkol kay Annabelle: ‘Block & report!!!’

PHOTO: Instagram Story/@iloveruffag

Hindi ito ang unang beses na naging biktima ng “fake news” ang pamilyang Gutierrez.

Kung matatandaan, noong Enero lamang ay kumalat ang bali-balitang magkaka-baby na ang actress-beauty queen at ang dating Quezon City Mayor na si Herbert Bautista.

Pero ito ay agad na tinuldukan ni Ruffa, lalo na’t marami na raw kasi ang naniniwala.

Bukod diyan, pinalagan din noon ni Ruffa ang fake quote card ng kanyang ina na umaamin umano na isang masamang biyenan at pinatatamaan pa ang dating misis ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.

Ganito ang nakalahad sa nag-viral na post: 

“Masamang biyenan daw ako. Oo ‘day! Masamang biyenan talaga ako! Sino ‘di mag-iinit ang ulo kung puro waldas ng pera at shopping malls lang ang alam. Ni hindi nga ‘yan humahawak ng walis tambo at naghuhugas ng plato. Akala mo anak mayaman eh, umasa lang naman sa tatay na foreigner. Hay nako ‘day! Gigil mo ko ‘day hay!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Giit ng beauty queen-actress, “Again, FAKE NEWS!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending