Annabelle Rama muling ibinuking si Ruffa: Every day ka nang umiiyak | Bandera

Annabelle Rama muling ibinuking si Ruffa: Every day ka nang umiiyak

Therese Arceo |June 16,2022
facebook
share this

Annabelle Rama muling ibinuking si Ruffa: Every day ka nang umiiyak

Therese Arceo - June 16, 2022 - 06:01 PM

Annabelle Rama muling ibinuking si Ruffa: Araw-araw ka na lang umiiyak

MULI na namang umariba si Annabelle Rama at inilaglag ulit ang anak na si Ruffa Gutierrez na napapadalas na raw ang pag-iyak.

Nag-ugat ito nang mapaluha si Ruffa sa kasagsagan ng segment na “Showtime Sexy Babe” kung saan nagbibigay ng komento ang kanyang ina sa isang contestant.

Isa kasi sa mga contestant ang hindi nasilayan ang ama nito habang lumalaki kaya naging personal rin ang komento ni Annabelle.

“Yung tungkol sa tatay mo na nawala, hindi mo na siya nakita, magaling ka naman kumanta. Pagpatuloy mo yung singing career mo baka sumikat ka. Baka ang taray mo ang tatawag sa yo o magpapakita sa ‘yo tulad ng mga apo ko… 15 years di nakita ang tatay nila, ngayon nagkita-kita na sila.

“Baka swertehin ka… Galingan mo para gumanda ang career mo, sumikat ka, mami-meet mo rin ang tatay mo,” payo ni Annabelle.

Hindi naman nakaligtas kay Vice ang biglang pagluha ni Ruffa habang nakikinig sa kanyang ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

“Ano ba yang to si Mommy, nakakaiyak yung comment mo, parang ako ‘yung natamaan,” saad ni Ruffa.

“Ruffa sa totoo lang, everyday ka nang umiiyak. Tama na yan,” hirit ni Annabelle sa anak.

Depensa naman ni Ruffa at kapatid nitong si Raymond, ang kanyang pag-iyak ay tears of joy dahil matapos ang ilang taon ay finally nagkita na ulit ang kanyang mga anak at ang ama nitong si Yilmaz Bektas.

Matatandaang noong June 8 nang mag-post ang anak ni Annabelle ng video na may caption na nagpapatungkol sa tila reunion ng kanyang mga anak sa ama nitong nakabase sa Istabul.

At nito ngang June 10 nang ibahagi ni Ruffa ang larawan ng kanyang paghatid kina Lorin st Venice sa airport.

June 11 nang mag-post ang aktres ng video ng pagkikita ng tatlo sa airport sa Turkey.

15 years rin nawalay ang mga anak ni Ruffa sa kanilang ama.

Matatandaang 2007 nang maghiwalay ang anak ni Annabelle sa asawa nitong si Yilmaz samantalang 2012 naman nang ma-grant ang kanilang annulment.

Base sa naging interview ni Ruffa kay Ogie ay inamin niya na matagal na niyang hiling na sana sy dumating ang panahon na magkita-kita ang mag-aama na ngayon nga ay nangyayari na nga dahil hanggang ngayon ay nasa Istanbul pa ang dalawa at masayang nakikipag-bonding sa pamilya ng kanilang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa ‘It’s Showtime’

Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

Jayke Joson hinamon si Annabelle Rama na maglabas ng ebidensiya: Or I will sue them in court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending