Donita Rose napilitang pumunta sa US dahil sa kawalan ng trabaho sa Pinas
IBINAHAGI ni Donita Rose ang naging rason bakit niya iniwan ang Pilipinas at nagpasyang manirahan sa Amerika.
Sa vlog kasama si Rufa Mae Quinto at LJ Moreno, ikinuwento ni Donita Rose ang kanyang naging karanasan na nag-push sa kanya na magsimula ng bagong buhay sa USA noong September 2020.
Ayon sa kanya, wala na raw kasing trabaho sa Pilipinas. At dumating sa punto na hindi na niya kayang bayaran ang kaniyang mga gastusin. Amin pa ng dalaga, ang ina na nito ang tumulong sa kaniya para mabayaran ang bills buwan-buwan.
“I felt so bad. My mom is 73 years old. Ayoko naman na parang ganito na lang ang buhay ko,” pag-amin niya.
Ayon pa sa dating aktres, okay lang raw sa kaniyang ina na tulungan siya dahil noon naman daw ay si Donita ang sumusuporta sa kanilang pamilya pero hindi raw kaya ng sikmura niya na umasa sa ina lalo na’t matanda na ito.
“Sabi ko, ‘Lord, I’m waiting for a sign from you’ kung anong mangyayari hanggang sa wala talaga. Umiyak na lang ako. Sabi ko ‘Lord, I’m just gonna move and I’m just gonna trust that it is Your will’,” amin pa niya.
“The minute I made the decision, everything fell into place. Nakakuha ako mg mga projects na started paying off my debts (bago ako umalis ng Pilipinas).
“After I sold all my things, I paid off all my debts. Then doon sa condo na may utang akong P6 million, ang ginawa ng condo parang trade.
“I traded in my 3-bedroom for a 1-bedroom pero fully paid,” pagpapatuloy niya.
Sa ngayon, masaya ang dating aktres sa takbo ng buhay niya sa America. Nagagawa raw kasi nito ang mga bagay na gusto niya gaya ng pagluluto.
Isa na nga siyang corporate chef sa isang sikat na supermarket chain sa Amerika na pagmamay-ari ng mag-asawang Jefferson Lim at Krista Ranillo.
Marami raw siyang mga ginagawa upang i-level up pa ang mga Filipino cuisines kasama ang food scientist na si Maricel Aguilar.
Pahapyaw niya, ang project ay tungkol sa mga modern twists sa pagkain, tulad sa mga sinigang mix.
Nang tanungin naman siya kung nais pa niyang bumalik sa showbiz, inamin naman niya na willing siya kung may chance dahil nasa dugo na raw niya ang show business.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.