Donita Rose kinuwestiyon si Lord: Makasalanan tayong lahat!

Donita Rose kinuwestiyon si Lord: Makasalanan naman tayong lahat!

Ervin Santiago |March 07,2024
facebook
share this

Donita Rose kinuwestiyon si Lord: Makasalanan naman tayong lahat!

Ervin Santiago - March 07, 2024 - 07:58 AM

Donita Rose kinuwestiyon si Lord: Makasalanan naman tayong lahat!

Boy Abunda at Donita Rose

NAKARANAS din ng matinding depresyon ang actress-host na si Donita Rose pero hindi ito naging dahilan para hayaan na lang niyang masira ang kanyang buhay.

Dahil sa kanyang mga pinagdaanan nitong mga nagdaang taon, hindi na niya in-expect na mabibigyan uli siya ng isang taong makakasama at makakatuwang sa buhay.

Ayon kay Donita, parang isang panaginip lang daw na nakapag-asawa siya uli sa katauhan ng musician at events host na si Felson Palad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Parang nananaginip pa rin ako, hindi ako makapaniwala na may asawa na ako ulit,” ang pahayag ng aktres sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Tuesday, March 6.

Baka Bet Mo: Donita Rose may pa-dyowa reveal: That’s Felson Palad for you peeps

“There was like matinding depression ang pinagdaanan ko. For somebody, I think as jolly and as happy as I am, to go to depression, I couldn’t understand it at the time.

“But now, hindi ako nagsisisi or wala akong regrets sa pinagdaanan kong ‘yan, kasi ngayon ako naging buo,” ang pahayag ng dating VJ.

Napakaraming natutunan ni Donina matapos silang maghiwalay ng dati niyang mister na si Eric Villarama noong  2016 na nakasama niya sa loob ng 12 years.

Aniya, mas matapang, mas wais at mas masaya na siya ngayon sa kanyang buhay kasama ang pinakamamahal na second husband.

“Feeling ko now I know who I am. My identity is not in another person. Kasi there was a time noong hiniwalayan ako ng asawa ko na parang ‘Who am I now?’” sey ni Donita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 644 Creative Media (@644creativemedia)


Inamin din niya na totoong nakaramdam siya ng emptiness nang maghiwalay sila ni Eric.

“Dyina-judge ako ng mga tao na ‘tumaba kasi hindi na siya maganda.’ In a sense your identity is like, ‘Hindi na ba ako buo kung hindi kumpleto identity ko?’” ang naging pagkuwestiyon niya noon sa sarili.

Bukod dito, dumating din siya sa puntong nakuwestiyon din niya si Lord  nang dahil sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.

Baka Bet Mo: Donita Nose sa fans ni Tekla: Huwag n’yo naman akong durugin, hindi n’yo alam ang hirap ko!

“May tampo ako. I’ve been a Christian my whole life, I’ve been reading my Bible ever since I was a little girl. Nagtampo ako. And it’s not bad.

“Hindi naman ‘yun masama sa Panginoon kasi we can be ourselves. ‘Bakit ako, faithful naman ako sa ‘yo ‘di ba?’” aniya pa.

Pagpapatuloy niya, “Makasalanan naman tayong lahat, eh. Obviously hindi ako perfect. And now that I’m much older, I look back and I go, ‘Shoot! ‘Yun ‘yung mga kasalanan ko, na nagbitaw ako ng salita na ‘Kaya kong mabuhay na wala Ka.’

“‘Yung mga ganu’ng salita, nakaka-dig ka ng sarili mong grave. Those are things I really regret,” pahayag pa niya.

Kasunod nito, humingi ng tawad si Donita sa Diyos, at ngayon nga ay mas napatatag na ang kanyang faith.

“There was a lot of internal struggles. But eventually I just decided to well, I know this sounds really corny pero bumalik aking first love, na ang Panginoong Hesus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“As I got back to the word of God, I was reminded of my identity in Christ and not in who I am as a person, but who He is in my life,” pahayag pa ni Donita Rose.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending