Beauty Gonzalez pak na pak ang career ngayong 2023, todo kayod para sa ipinapatayong bahay | Bandera

Beauty Gonzalez pak na pak ang career ngayong 2023, todo kayod para sa ipinapatayong bahay

Reggee Bonoan |February 14,2023
facebook
share this

Beauty Gonzalez pak na pak ang career ngayong 2023, todo kayod para sa ipinapatayong bahay

Reggee Bonoan - February 14, 2023 - 11:58 AM

Beauty Gonzalez pak na pak ang career ngayong 2023, todo kayod para sa ipinapatayong bahay
MAGANDA ang pasok ng taong 2023 sa aktres na si Beauty Gonzalez dahil bukod sa kanyang Sundance Festival stint ay may kasunod na agad sya na serye sa GMA.

Maganda ang reviews sa pelikula niyang “In My Mother’s Skin” at shocking ang kanyang pagganap dahil ibang-iba sa mga ginampanan niya sa telebisyon.

Ayon sa manager ni Beauty na si Becky Aguila ay kusang nag-undergo ng acting workshops ang aktres bilang paghahanda sa next projects niya. Ang kanyang huling role bilang Violet ay talaga namang kinagiliwan ng mga manonood.

Produkto siya ng ABS-CBN reality show na “Pinoy Big Brother” at umingay ng husto ang pangalan niya sa hindi malilimutang karakter niyang Romina sa teleseryeng “Kadenang Ginto”.

At kahit na lumipat na si Beauty sa GMA 7 ay grateful pa rin siya sa Kapamilya network at ngayong nasa Kapuso network na siya ay nagpapasalamat din siya dahil sobrang alaga rin ang ibinibigay sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez)

Samantala, kilalang prangkang sumagot ang aktres sa mga nagtatanong tungkol sa personal niyang buhay, career at mga taong nakapaligid sa kanya kaya kaabang-abang ang guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” sa February 24.

Bukod dito ay special guest rin si Beauty sa sitcom ni John Lloyd Cruz na “Happy Together” sa Kapuso network na mapapanood sa February 17 at ang kuwento ay childhood sweethearts sila ng aktor.

Sipag-sipagan ang beauty ng aktres dahil malapit na ang construction ng ipagagawa niyang bahay sa katatapos niyang hulugang lupa sa West Grove Nuvali. Gusto niyang sa sarili niyang bulsa manggagaling ang pagpapagawa nito kahit alam niyang aalalayan siya ng asawang si Norman Crisologo.

Related Chika:
Beauty Gonzalez certified ‘hot mama’ na rin; pak na pak ang pagsusuot ng 2-piece bikini

GMA tinupad agad ang wish ni Beauty: Hindi lang isa kundi 2 Dingdong pa ang nakatambal ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Beauty Gonzalez nakipag-ayos na sa ina; pinayuhan ni Maricel Laxa

Beauty tuloy ang planong pagre-retire sa showbiz after 6 years: Inaway nga ako ng husband ko, ‘Ang yabang-yabang mo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending