Beauty Gonzalez certified 'hot mama' na rin; pak na pak ang pagsusuot ng 2-piece bikini | Bandera

Beauty Gonzalez certified ‘hot mama’ na rin; pak na pak ang pagsusuot ng 2-piece bikini

Ervin Santiago |September 12,2022
facebook
share this

Beauty Gonzalez certified ‘hot mama’ na rin; pak na pak ang pagsusuot ng 2-piece bikini

Ervin Santiago - September 12, 2022 - 07:53 AM

Rhea Tan at Beauty Gonzalez

IBANG klase rin itong Kapuso actress na si Beauty Gonzalez! Habang tumatagal kasi ay mas lalo pa siyang gumaganda at sumeseksi!

As in para pa rin siyang dalaga dahil wala sa itsura niya ang pagiging nanay. Kaya naman sabi namin, matatawag na rin siya ngayong certified hot mama.

Nakachikahan namin at ng ilan pang miyembro ng entertainment press si Beauty sa bonggang mediacon ng Beautederm Corporation kung saan ipinakilala siya bilang ambassador ng BeauteHaus.

Sa mga tarpaulins at billboards ng kumpanya ni Rhea Anicoche Tan para sa kanilang beauty clinic na matatagpuan sa Angeles City, Pampanga, makikitang naka-two piece bikini si Beauty.

Kaya naman natanong ang aktres kung wala ba itong issue sa asawa niyang si Norman Crisologo na present nga sa nasabing presscon, “Oh, you can ask him at your back. He’s standing there.”

Sey naman ni Norman, “Sobrang proud! Kasi, pag-uwi niya, katabi ko siya!”

Reaksiyon ni Ms. Rei, “Uy, kinikilig siya! Alam mo, sobrang gustung-gusto ko yung mga videos nila together. Napaka-natural!

“I’m not saying the others are scripted. Pero sa kanila talaga, sobrang kita mo yung love nila sa isa’t isa na very afraid sila na mawala ang isa’t isa. Ang sweet nila!” chika pa ng CEO at presidente ng Beautederm.

Sey naman ni Beauty, “Kinilig ako!” Na sinundan ng panunukso ni Ms. Rei ng, “At dahil diyan, baby number 2!”

Pero kinontra agad ito ni Beauty, “Okay na ako, ma. Okay na, ayun, happy naman siya. Kasi, iyan ang katabi niya sa gabi. Ha-hahaha!”

Aminado naman ang aktres na napakahirap mag-maintain ng ganu’ng kagandang katawan, “Oh yeah, it’s hard. It’s really hard. As you age, everything changes in your body.”

View this post on Instagram

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez)


Laban kung laban din si Beauty kung kailangan niyang mag-two piece sa pelikula o teleserye, “As long as I have the body, why not? Kung mataba na ako, magtatago na ako. Hindi na ako maggaganyan. Habang kaya, go!”

Nagbahagi rin siya ng ilang detalye tungkol sa solid na solid na relasyon at married life nila ni Norman, “That takes two to answer, that question! Well, siguro I had my husband at the right time. He had me at the right time also.

“And we just really click. Paano ko ba ie-explain? Hindi kami nag-aaway, ha? Hindi pa kami nag-aaway to the point na nagwu-walk out or like iyakan or what. Puro tawanan lang.

“Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero sobrang swak lang na swak yung ugali naming dalawa. And importante talaga yung you have time for each other, no matter kung gaano man ka-busy yung work mo.

“You have to have time, and you have to respect yourself, and you respect your husband. So importante when you respect yourself, you respect people around you also.

“Kasi ang daming mga temptation, andaming mga bago ngayon, mga bagay-bagay. Pero pag nirerespeto mo ang sarili mo, kahit sa kaibigan, kahit sa business, kahit sa marriage…matiwasay yung buhay mo,” lahad ni Beauty.

Wala ring issue ang age gap nila ni Norman, 31 years old si Beauty habang 46 naman si Norman, “Actually, mas matanda ako sa kanya. Ako, natutulog na ako, alas-otso ng gabi. So, manonood kami ng TV, tapos magpapanggap ako (gising na gising). ‘Hala, grabe! Anong nangyari?!’

“’Tapos mamaya (naghihilik na), ako yung umuuwi nang maaga. Ako yung gumigising nang maaga. Ako yung ayaw lumabas ng bahay. Siya yung lakwatsero.

“Siya yung maya’t maya, ‘Tara! Let’s do this, let’s do that!’ which I truly appreciate. Kasi if wala siya, I would be just there like a wallpaper. And yeah, a happy wife is a happy life for him. Ha-hahaha!”

Binalingan ni Beauty ang asawa sabay tanong, “Ikaw, babe, what’s the secret of our marriage?”Sagot ni Norman, “Good timing. And a lot of luck. You can work on it as much as you want, but you still need luck at the end of the day, di ba? Suwerte lang. Suwerte ko, nakita ko siya!”

Pagsang-ayon ni Beauty, “Buti na lang, binili mo yung magasin na nakita mo, ha?! Nakita niya kasi ako sa isang cover ng magasin, e. And then, pinahanap niya ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Tapos, tumawag siya. Akala ko, nagbebenta ng insurance, kasi puro English. Ayun pala, yun na ang magiging asawa ko!” hirit pa niya.

Beauty nakaligtas sa hagupit ng bagyong Odette, pinigilan ng ina na magpunta sa Siargao

GMA tinupad agad ang wish ni Beauty: Hindi lang isa kundi 2 Dingdong pa ang nakatambal ko

Bianca, Nikki, Ogie nanindigang hindi lang pera-pera ang politika

Bianca dumepensa sa bashers ng PBB: It’s not an artista search

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending