Jennica Garcia napa-react sa viral video nina Jean at Nash noon: Ma, kalmahan mo lang | Bandera

Jennica Garcia napa-react sa viral video nina Jean at Nash noon: Ma, kalmahan mo lang

Therese Arceo - March 25, 2022 - 09:48 AM

Jennica Garcia napa-react sa viral video nina Jean at Nash noon: Ma, kalmahan mo lang
HINDI mapigilan ng aktres na si Jennica Garcia ang mapa-react sa dating video ng kanyang ina at aktres na si Jean Garcia habang kinakausap nito ang batang si Nash Aguas.

Kamakailan kasi ay muli na namang kumalat sa social media ang dating video ng dalawa na kuha habang parte pa si Nash ng “Star Curcle Quest”.

Makikita sa video na in character at talagang tinatarayan ng ina ni Jennica ang batang si Nash.

Pinapagalitan kasi ng beteranang aktres si Nash dahil nangopya ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napaiyak na lang ang batang si Nash at sinabing isusumbong niya ang aktres sa direktor.

 


“Ma, kalmahan mo lang… MA,” saad ni Jennica sa kanyang caption.

Marami naman sa mga netizens ang naaliw kay Nash at napahanga sa galing ni Jean.

“cute ni Nash.. kahit ako man makaharap ni Ms Jean…magaling na aktres, mamomotivate ka tlgang umiyak,” comment ng netizen.

“Galing talaga ni idol Miss Jean Garcia and syempre kaw din Miss Jennica Garcia, mana ka po sa mommy mo po.stay humble po always stay safe and God bless po,” saad ng isang netizen.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica Garcia (@jennicagarciaph)


Samantala, tinawag naman ni Jennica ang pansin ni Nash na talagang todo iyak sa video.

“Nash pakigalaw ang baso,” sey ni Jennica.

Isang netizen naman ang nag-react at sinabing naigalaw na ng aktor ang baso dahil napag-usapan na ito noong dumalaw ang binata sa vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh.

“Sumbong ko kayo sa direktor,” pabirong saad nito.

Sa ngayon ay tumatakbo ang aktor at businessman na si Nash sa pagka-councilor sa Cavite City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Alexa Ilacad kay Nash Aguas: We’re not friends, pero napatawad ko na siya kahit hindi siya nag-sorry
Bwelta ni Jean kay Alwyn: Respeto lang ang hinihingi ko sa ‘yo…just saying!
Jennica, Alwyn sabay tinanong kung nagkabalikan na…pero magkaiba ang sagot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending