Direk Bobot sa Goin Bulilit kids: Dapat gusto ng bata hindi ng nanay

Direk Bobot sa Goin Bulilit kids: Dapat gusto ng bata hindi ng nanay

Ervin Santiago - May 28, 2024 - 10:06 AM

Direk Bobot sa Goin Bulilit kids: Dapat gusto ng bata hindi ng nanay

Bobot Mortiz

NAKAKALOKA! Ang dami-dami pala talagang bata ngayon ang gustung-gustong mag-artista at makapasok sa pagbabalik ng “Goin’ Bulilit” ng ABS-CBN.

Dinagsa ng mga bagets ang isinagawang audition para sa pagbabalik ng original kiddie gag show sa Kapamilya Network nitong nagdaang weekend.

Baka Bet Mo: Fans nina Ate Guy, Tirso at Bobot nagrambulan, nagpaluan ng silya

Sa isang panayam, sinabi ng creator at direktor ng naturang children’s show na si Bobot Mortiz na masayang-masaya siya sa muling pag-ere ng “Goin Bulilit” sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Edgar Mortiz (@direkbobot)


“Ang pinakaimportante diyan is yung mga bata gusto talagang mag-artista, hindi yung mga nanay yung gustong mag-artista.

“Maraming ganu’n, eh, minsan pinipilit nila yung mga anak nila, so yung mga anak aral na aral yung inaarte,” pahayag ng veteran actor-director sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, “Kasi ako gut feel eh, yung tinitignan ko sila hindi ko kailangang makita silang umarte. Mas gusto ko ngang ‘yung hindi marunong umarte, eh.”

Pero ano nga ba ang hinahanap nina Direk Bobot sa mga batang nangangarap makapasok sa programa, “Ang hinahanap ko talaga yung magaling  may timing sa comedy. Kasi, alam mo ang tingin ko sa artista, pag magaling sa comedy magaling sa drama.

Baka Bet Mo: Boyet, Tirso, Bobot muling magsasama-sama sa Valentine concert makalipas ang 30 years; bakit si Lovi ang kinuhang guest?

“Mas gusto ko yung hindi masyadong marunong umarte. Marami kaming bata na magaling umarte pero hindi napipili kasi ano na, eh, parang ang hirap nang turuan,” sabi pa niya.

“Kahit paano dapat may dating siya, importante sa kin may karisma yung bata,” dagdag ng direktor.

Naikuwento rin ni Direk Bobot ang pagsabak noon sa “Goin’ Bulilit” audition nina Julia Montes at Alexa Ilacad.

“Napilit ko na ipasok si Julia kasi nakikita ko sa kanya, malalim yung ano, nag-audition siya pero parang napipilitan lang siya. Pinaglaban ko si Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Edgar Mortiz (@direkbobot)


“Meron akong nakikita sa kanya parang alam ko meron to. Nu’ng nag-audition siya, hindi naman siya magaling pero nakikita mo meron siya,” sabi ng direktor.

“Si Alexa naman lumapit lang sa akin. Nasa canteen lang ako, ‘ako po si Alexa’. Sabi ko ‘gusto mo bang mag-Bulilit?’ O sige, ganu’n lang,” chika pa niya.

Samantala, siguradong pasok na sa “GB” ang “It’s Showtime” kids na sina Argus, Jaze, Kulot, Kelsey at Imogen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagugulat nga ako ang hahaba ng linya eh, ang maganda sa kanila napapanood ko magaling na sila maglinyahan,” sey  ni Direk Bobot patungkol sa talento ng mga bagets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending