Boyet, Tirso, Bobot muling magsasama-sama sa Valentine concert makalipas ang 30 years; bakit si Lovi ang kinuhang guest? | Bandera

Boyet, Tirso, Bobot muling magsasama-sama sa Valentine concert makalipas ang 30 years; bakit si Lovi ang kinuhang guest?

Reggee Bonoan |January 12,2023
facebook
share this

Boyet, Tirso, Bobot muling magsasama-sama sa Valentine concert makalipas ang 30 years; bakit si Lovi ang kinuhang guest?

Reggee Bonoan - January 12, 2023 - 06:49 PM

Boyet, Tirso, Bobot muling magsasama-sama sa Valentine concert makalipas ang 30 years

Lovi Poe, Tirso Cruz III, Bobot Mortiz at Christopher de Leon

MAGSASAMA-SAMA sa isang project ang tinaguriang “icons” na sina Christopher de Leon, Bobot Mortiz at Film Development Coucil of the Philippines Chairperson, Tirso Cruz III.

Ito’y mangyayari sa pre-Valentine show na “Some Kind of Valentine: Unlimited Love, Music, and Laughter” na mapapanood sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World sa Pebrero 3 at 4.

Icon na silang maituturing dahil sa tagal na nila sa entertainment industry at kahit may kanya-kanya silang karera outside showbiz ay nagkakasalubong naman sila pagdating sa pag-arte sa harap ng camera.

Si direk Bobot na dating singer noong ka-loveteam pa ni dating congresswoman Vilma Santos-Recto ay mas piniling behind the camera na lang siya.

Ang sinasabing “vain” sa grupo dahil sa sobra nitong linis at bango sa katawan na si Christopher ay mas pinili pa ring umarte sa harap ng camera.

At si FDCP Chair Pip na obviously ay kawani ng gobyerno ngayon sa nasabing ahensya ay gusto pa ring umarte sa harap ng kamera.

Bukod sa pagiging seryosong mga aktor ay seryoso rin sila sa kanilang pagkanta na balik-tanaw nga ni direk Bobot, “’Yung huling valentine show na ginawa namin, Bad Bananas (with Jay Ilagan at Johnny Delgano) pa kami, in-introduce namin sina Zsa Zsa Padilla at Pops Fernandez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pip Silvano Cruz (@tirsocruziii)


“Yun ang unang show nila. Then after nu’n nagkaroon ulit kami ng show, so mga 30 years ago pa ‘yung huling show namin.

“Tapos mga fans namin, siguro marami pa sila huhukayin namin para manood ng show (biro ni direk Bobot), I’m sure mag-e-enjoy sila sa show namin,” aniya pa.

Mula naman sa isa ring original member ng Bad Bananas na si Christopher, “Two nights concert, yes we are rehearsing already almost three times a week.  This is to be some kind of valentines with laughter, it’s gonna be fun, music like rock and roll, mga songs na very familiar to us siyempre our time standard music, it’s gonna be wacky.”

Lagi naman daw nagkakasama sa concerts ang tatlong icon sa ibang bansa na pinamagatang “Timeless” at ni-research namin ang binabanggit nilang show at noong 2019 ang nahanap namin nan a ginanap sa New York City, USA.

Base sa videos na napanood namin mula sa mga nakapanood na in-upload nila sa YouTube ay masaya ang show nila na inakala namin na si direk Bobot lang ang komedyante sa tatlo ay hindi pala, iba rin ang brand ng comedy nina Boyet at Pip.

Say nga ni Tirso, “Matagal na matagal nap o kaming hindi nagso-show dito (Pilipinas), we did a show abroad ‘yung Timeless and it was very successful hopefully itong ipe-present naming na pre-valentine show namin, e, magugustuhan ninyo, hindi lang magugustuhan we promise that you will really enjoy it.

“Masayang-masaya po ‘yung ating show and we promise that we make you go home with a smile on your faces. Magpapasayaw po kami (manonood),” aniya pa.

Natanong naman ang producer ng show na s Miss Flor Santos ng Dreamwings Production, Inc kung paano niya napagsama-sama ang tatlong icons na abala sa kani-kanilang careers as actors and director.

“Actually, sina Tita Malou (Santos) and tita Charo (Santos-Concio) supposed to go here kaso sabi nila hindi magiging fair kasi mostly mga presscons hindi sila uma-attend tapos dito a-attend sila, anyway, ka-apelyido lang ako (walang relasyon sa mga ex-executives of ABS-CBN).

“Ang kapartner talaga namin dito is sina tita Charo at tita Malou magkakaibigan kami dahil mayroon kaming business tapos sabi ni tita Charo, ‘mag-produce tayo.’

“Una, I was thinking na siyempre ‘yung dati kong prinodyus na sina Pops.  Pero ang galing ng idea ni tita Charo, siya talaga ang bumuo na sabi niya ng tagal na nito (concept) and si tita Charo ay ina-idolize niya kayo (Bobot, Boyet at Pip) mag-perform.

“Kinuwento ni tita Charo ‘yung show nila noon (Bad Bananas show) tapos wala na kaming ibang napag-usapan, I’m giving (suggesting) her another artist pero wala na siyang ibang nasa isip kundi the three of them.

“Si tita Charo rin ang pumili ng mga songs, ako nga hindi ko alam ‘yung ibang kanta, kumakanta si tita Charo at sinabi niya ito ‘yung mga songs (line up).

“Ang gaganda ng list of songs ni tita Charo, hands on siya. Bago ito i-discuss sa kanila (Bobot/Boyet and Pip) in-approve na ni tita Charo, siya talaga (bumuo ng show).  Tapos with Chit Guerrerro (TV/Events executive) kita mo ‘yung high standards,” sabi pa niya.

At siyempre kailangan ng leading lady sa “Some Kind of Valentine” kaya naman pasok sa show si Lovi Poe.

“Sa girl naman nag-iisip kami kung sino ang magiging ‘queen’ nila, list of 50 (names) tapos down to 28.  Pero number one talaga in fairness si Lovi. Tapos naalala ko nu’ng nagbi-brainstorming pa kami merong top 7 na, sabi ni tita Malou na ayaw na nilang mag-isip ng iba other than Lovi.

“Tapos nu’ng medyo hectic ang schedule niya parang nada-down na kami pero si tita Malou ang galing niya parang ‘never say no!’

“Tapos ma-share ko lang branstorming palang ng kanta feel na feel mon a ‘yung passion nu’ng tatlo (Bobot/Boyet and Pip).

“I produced so many shows pero first time kong nakakita ng ganu’n ka-passionate nila sa kanta nila.  Would you believe hanggang gabi inaantok na ako naririnig ko pa rin ‘yung kanta nila, one by one nila, every details ang galing,” mahabang pagdedetalye ng producer.

Si Direk Alco Guerrerro ang stage director ng “Some Kind of Valentine” at si Mel Villena naman ang musical director.

Mabibili naman ang tickets sa SM Tickets.

Vice dedma sa ‘lipatan’ isyu, tumutok sa UAAP Cheerdance showdown: O, tahkayoooo! Kavogue ang FEU!

Tirso Cruz III papalit kay Liza Dino bilang chairperson ng FDCP; Johnny Revilla itatalagang MTRCB chairman

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza shookt nang makaeksena si Tirso Cruz III; ‘Maria Clara At Ibarra’ ng GMA 7 trending agad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending