Ex-Goin’ Bulilit star pinag-aral ni Kathryn mula nang mamatay ang tatay
KNOWS n’yo ba na tinulungan pala ni Kathryn Bernardo ang isang dating kasamahan sa “Goin’ Bulilit” na makapagtapos ng pag-aaral?
Yes, yes, yes mga ka-Marites all over the universe! Si Kathryn ang nagsilbing “sponsor” ng isa sa mga dati niyang co-star sa naturang kiddie gag show ng ABS-CBN.
Naka-graduate ng kolehiyo ang dating child star sa tulong nga ng Kapamilya actress at Box-Office Queen.
View this post on Instagram
Isa video message na ipinalabas sa contract signing ni Kathryn sa ABS-CBN nitong nagdaang Friday, mismong ang direktor ng “Goin’ Bulilit” na si Edgar Mortiz ang nagkuwento tungkol sa kabaitan ng dalaga.
“Ang hindi ko alam na ginagawa pala ni Kathryn na natuwa ako, nakita ko ‘yung nanay ng isang ‘Bulilit’ tapos ikinuwento niya sa ‘kin nu’ng namatay ang tatay ng ‘Bulilit’ na ‘to, ang nagpaaral sa kanya, si Kathryn. Doon ko lang nalaman,” pagbabahagi ng veteran actor at direktor.
“Tuwang-tuwa ako na, hindi pala siya nakalimot sa mga kasama niya. Proud na proud ako kay Kathryn,” aniya pa.
Ayon naman kay Kath, tinupad lang daw niya ang pangarap ng tatay ng kanyang ka-batchmate sa “Goin’ Bulilit” na makapagtapos ito ng college.
“During that time, the dad, naging kaibigan namin ni Mama (Min Bernardo), alam mo ‘yun, sabay kakain and then for a time nag-stop mag-artista ‘yung tao na ‘to.
View this post on Instagram
“And then, naka-receive kami ng message from the mom na ito ‘yung nangyari sa dad tsaka hindi na rin siya nag-artista,” kuwento ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla.
Baka Bet Mo: Maymay kakaririn ang pag-aaral sa Canada: Ang buhay ko po rito ay masayang-masaya!
Naniniwala rin ang Kapamilya actress na karapat-dapat tulungan ang dating child star dahil alam niyang matalino at masipag ito. Hindi na lang niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.
“Bilang nakasama mo, siyempre tutulong ka hangga’t kaya mo. ‘Yun ‘yung promise namin ni Mama sa dad niya na tutulungan ka namin.
“Kasi ito ‘yung isa sa dreams ng dad niya sa kanya, na makatapos ng college because he’s so smart and alam mo rin ‘yung mga tao na masarap tulungan kasi masipag,” pahayag pa ni Kathryn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.