Bugoy Cariño tinawag na 'palamunin', hinamon ang basher: Bigyan po kita pang palamon | Bandera

Bugoy Cariño tinawag na ‘palamunin’, hinamon ang basher: Bigyan po kita pang palamon

Therese Arceo |September 22,2023
facebook
share this

Bugoy Cariño tinawag na ‘palamunin’, hinamon ang basher: Bigyan po kita pang palamon

Therese Arceo - September 22, 2023 - 03:05 PM

Bugoy Cariño tinawag na 'palamunin', hinamon ang basher: Bigyan po kita pang palamon
UMALMA si Bugoy Cariño sa isang netizen na tumawag sa kanya bilang “palamunin” ng pamilya ng fiancée na si EJ Laure.

Nag-upload noong Miyerkules, September 20 ang dating miyembro ng Hashtag ng video sa kanyang TikTok account ng video niya kasama ang partner.

“Mrs. Cariño kana next next year [smiling face, ring, heart emojis]” caption ni Bugoy sa kanilang video.

Umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ng soon to be Mr. and Mrs. Cariño.

Ngunit sa kabila ng maraming mga komento ay kapansin-pansin ang isang netizen na sinagot ni Bugoy.

Inakusahan kasi ng netizen na “palamunin” ang dancer-actor.

Komento ng netizen, “Walangya naman Bugoy. Yan [bang mukha] mo ay kasing kapal [na] ng [semento]! Maawa [ka kay Kuya Edie. [Palamunin ka] ng pamilya.”

Ang Kuya Edie na sinasabi ng netizen ay ang ama ni EJ na si Eddie Laure.

Baka Bet Mo: Bugoy Cariño nawalan ng projects at mga raket sa showbiz nang makabuntis sa edad 16: ‘Sobrang panghihinayang po…’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May iba pang mga negatibong komento sa post ni Bugoy pero pinili na lang niyang huwag itong sagutin.

Samantala, may mga netizens naman na nagtanggol sa aktor at sinabing hayaan na lang ang dalawa na maging masaya sa buhay dahil deserve naman nila itong dalawa.

Matatandaang noong September 4, ika-21st birthday ni Bugoy ay nag-propose na siya kay EJ.

“Halos pitong taon na tayong magkasama pero hindi mo pinaramdam sa akin na hindi mo ako mahal. Araw-araw minamahal mo ako. Araw-araw pinagtitiyagaan mo ako.
“Araw-araw mahaba ang pasensiya mo sa akin,” panimulang mensahe ni Bugoy.

“Araw-araw ikaw yung inuutusan ko, pero hindi ka nagrereklamo. Gusto ko lang sabihin at pagsigawan sa lahat ng mga kaibigan ko na nandito, kaya napakaimportante niyo sa akin, na itong babaeng ito [EJ], papakasalan ko.
“Itong babaeng ito, mamahalin ko hanggang dulo. Kaya maraming salamat sa pagpunta niyo,” dagdag pa niya.

Matapos ang mahabang mensahe ay isang tanong na ang pinakawalan ni Bugoy.

“Ennajie Cruz Laure, mahal na mahal kita. Will you marry me?”

“Yes” naman ang sagot ni EJ na siyang naging dahilan ng paghiyaw ng mga bisita.

Matagal na ring magkarelasyon sina Bugoy at EJ. Sa katunayan, nabiyayaan na sila ng isang anak na si Scarlet Cariño.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bugoy Cariño umaming binalak ipalaglag ang anak: Masakit din na nu’ng naging tatay ako yung family ko hindi ko na natutulungan…

Bugoy Cariño sa pagiging batang ama: Hindi po ako natakot kahit menor de edad po ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending