Edward Barber natagpuan ang kanyang 'calling' bilang Christian, naghahanda na para maging pastor | Bandera

Edward Barber natagpuan ang kanyang ‘calling’ bilang Christian, naghahanda na para maging pastor

Ervin Santiago - July 11, 2022 - 07:46 AM

Edward Barber

NATAGPUAN na ng Kapamilya young actor at TV host na si Edward Barber ang kanyang “calling” sa labas ng entertainment industry.

Naikuwento ni Edward na gusto niyang maging pastor sa kanilang church ministry kung saan nagse-serve siya every Saturday.

Ayon sa binata na isa na ngayong Christian, kapag wala siyang trabaho sa showbiz, inilalaan niya ang kanyang panahon sa kanilang simbahan. Dito raw niya natagpuan ang isa pang purpose niya sa buhay.

“Nahanap ko yung balance sa buhay ko sa labas ng industry at yung ginagawa ko sa loob ng industry,” pahayag ni Edwar sa panayam ng Star Magic Inside News.

Dagdag pa niya, “May mga bagay na I’m not willing to sacrifice it or mas importante yun kesa yung job here and there sa loob ng industry.”

Nagpapasalamat daw siya nang bonggang-bongga sa ABS-CBN dahil sa magagandang opportunities na ibinibigay sa kanya pero aniya, parang may hinahanap pa siya bukod sa pagiging artista at TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Edward Barber (@edward_barber)


At nang magsimula na nga siyang maging aktibong miyembro ng kanilang church ministry, dito na niya nasabing gusto niyang maging pastor pagdating ng tamang panahon.

“I love ABS-CBN. I love my family here. But at the end of the day, it is work. And I have other people that I love too outside…I wanna be in a ministry which is not a priest but a pastor. Maybe one day,” sey ni Edward.

Pero nilinaw naman ng binata na hindi niya iiwan agad-agad ang showbiz dahil mahal na mahal din niya ang pinili niyang industriya at marami pa rin siyang gustong marating bilang artista.

https://bandera.inquirer.net/284918/edward-barber-nabinyagan-na-bilang-christian-god-changed-my-life

https://bandera.inquirer.net/286510/robi-edward-darren-ac-solid-ang-barkadahan-sino-ang-puso-ng-kanilang-friendship

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/284712/masaya-ang-puso-ko-nahanap-ko-yung-saya-na-gusto-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending