TOL: Pagsalo sa utang ng mga magsasaka, legasiya ni PBBM

TOL: Pagsalo sa utang ng mga magsasaka, legasiya ng pamahalaang Marcos

Antonio Iñares - December 18, 2024 - 11:52 AM

TOL: Pagsalo sa utang ng mga magsasaka, legasiya ng pamahalaang Marcos

PINANGUNAHAN ni Senador Francis ‘TOL’ Tolentino ang pamamahagi ng loan condonation certificates, mga titulo ng lupa, at mga makinarya at kagamitang pang agrikultura sa halos 3,000 magsasaka sa Alaminos City, Pangasinan noong Lunes, December 16.

Sa kanyang mensahe, tinawag ni Tolentino na legasiya o pamana ng pamahalaang Marcos ang pagsalo sa bilyon-bilyong utang ng mga magsasaka.

Aniya, naging posible ito sa pagsasabatas ng New Agrarian Reform Emancipation Act (RA 11953) noong isang taon.

“Karangalan na makasama sa pamamahagi ng certificates na ito. Palalayain nito ang ating mga magsasaka mula sa deka-dekadang paglakautang sa kanilang lupa, na makatutulong din para sila’y maging produktibo,” sey ni Tolentino sa libo-libong agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo isang proud farmer, ibinandera ang journey sa ‘sustainable farming’

Pinapatawad ng RA 11953 ang lahat ng pagkakautang ng ARBs, kasama ang interes, penalties, at surcharges nito, sa mga lupang sakahan na kanilang natanggap sa ilalim ng programa sa repormang agraryo.

TOL: Pagsalo sa utang ng mga magsasaka, legasiya ng pamahalaang Marcos

“Ito ay pamana sa inyo ng ating pambansang pamahalaan. Nawa’y alagaan n’yo ito bilang regalo, ‘di lang sa inyo, kundi para sa inyong mga anak at apo,” dagdag niya.

Katuwang si Kalihim Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform (DAR) at mga lokal na opisyal, namahagi si Tolentino ng Certificates of Condonation with Release of Mortgages (CoCRoMs) sa 807 ARBs; Certificate of Land Ownership Award (CLOAs) sa 86 ARBs; electronic titles sa 837 ARBs; at P7.56 milyon na halaga ng mga makinarya sa 1,070 ARBs.

Aabot sa 2,800 magsasaka mula sa Pangasinan ang nabahagian sa naturang aktibidad, na dinaluhan din nina Pangasinan Governor Ramon Guico III, Alaminos City Mayor Arth Celeste, at iba pang mga lokal na opisyal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending