Bea Alonzo ibinandera ang journey sa ‘sustainable farming’

Bea Alonzo isang proud farmer, ibinandera ang journey sa ‘sustainable farming’

Pauline del Rosario - August 18, 2023 - 10:37 AM

Bea Alonzo proud sa pagiging magsasaka, ibinandera ang journey sa ‘sustainable farming’

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

BUKOD sa pagiging artista, lubos na ipinagmamalaki rin ng award-winning actress na si Bea Alonzo ang pagiging farmer o magsasaka.

Sa isang Instagram post, ibinandera ng aktres ang ilang mga litrato niya na kuha sa kanyang farm sa Zambales – ang Beati Firma.

Inamin ng aktres na nami-miss na niyang mapuntahan ito.

“Missing our farm a little extra today,” caption niya.

Kasunod niyan ay tila ipinagsigawan niya a social media na isa siyang proud farmer at ikinuwento pa ang kanyang adbokasiya pagdating sa “sustainable farming.”

Baka Bet Mo: Sarah, Matteo nakabili na ng napakalawak na farm sa Laguna: ‘Gusto nilang bumuo ng mundo na kanilang-kanila lang’

Wika niya, “I am very proud to be a farmer and advocate for sustainability.”

“I became interested in it when we invested in this piece of land. We started learning from organic farming to minimal to zero waste farming,” chika niya.

Aniya pa, “There is still a lot to learn, but it is indeed a very fulfilling job. And I am happy that people are becoming more aware of sustainability’s importance in protecting our planet.”

Sa huli ay hinikayat niya ang publiko na suportahan ang mga produkto na may layuning protektahan ang kalikasan.

“We need to support brands and companies that advocate for this movement,” sey ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Magugunita noong Enero lamang ay nagkaroon ng isyu ang farm ni Bea matapos niyang imbitahan ang kanyang mga kapitbahay na Aetas upang ipinaghanda ng home-cooked meals.

Imbes na matuwa ang ilang netizens ay tila minasama pa nila ito.

May nagkomento pa nga na isang epal na netizen na sinabing ibalik na raw dapat ni Bea ang lupang inagaw niya sa mga Aetas.

Agad namang nag-react ang abogado ng aktres patungkol rito at nilinaw na walang “land grabbing” o pagnanakaw ng lupa na naganap. 

Bukod diyan ay binalaan rin nito ang netizen na nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.

Sa isang interview, inamin ni Bea na nasaktan talaga siya sa ibinibintang ng netizen sa kanya dahil matagal na niyang nabili ang lupang iyon at ilang taon niya itong pinagtrabahuhan.

“Binili namin ‘yung farm, ‘yung property na ‘yun 11 years ago. Pinagtrabahuhan ko ‘yun. Binigay ko ‘yun sa nanay ko,” sey niya sa naging panayam with King of Talk Boy Abunda.

Ani pa ni Bea, “Ilang tapings ‘yung iniyakan ko para lang makapagpatayo ako ng ganyan. It’s something really sensitive to me because ‘yung ang binigay ko sa pamilya ko at sa nanay ko.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga magsasaka pwede pa ring kumuha ng ‘fertilizer discount vouchers’ hanggang Nov. 30

Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending