NAIA nagtala ng 1.6-M international passengers, pinakamarami mula nang magkapandemya
INIULAT ng Manila International Airport Authority (MIAA) na naitala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pinakamaraming bilang ng international passengers.
‘Yan ay mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa buong mundo halos tatlong taon na ang nakakaraan.
Ayon sa datos ng MIAA ngayong Abril, nasa 1,677,779 ang international passengers at hindi naman bababa sa 9,089 ang international flights.
Sabi ng ahensya, doble ang itinaas nito kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon na kung saan ang international passengers ay umabot lamang ng 663,824, habang ang international flights ay nasa 4,494.
“Combined with domestic figures, NAIA registered a total of 3,666,503 passengers and 22,816 flights in April 2023,” sey sa pahayag ng MIAA noong May 12.
Baka Bet Mo: Dayuhang pasahero sa NAIA nawalan ng P50k, naibalik agad ng airport staff
Dagdag pa, “This represents a 50 [percent] rise from the 2,447,795 passengers in April 2022, and accounts for 86 [percent] of the 4,261,352 passengers in April 2019, the last full year before the pandemic.”
Ayon kay MIAA Officer-in-Charge Bryan Co, ang dumadaming pasahero sa nasabing airport ay dahil na rin sa “summer season.”
Sa panahon din daw kasi na ito, sinasamantala na rin ng mga pasahero ang ilang airline promos.
“After more than two years of closed borders, we expect the momentum of recovery to continue for tourism and the aviation industry,” sey pa ni Co.
Nabanggit din ng MIAA na ang “flight movement” ay tumaas din ng 28% kumpara noong nakaraang taon.
Dahil diyan, ang flight on-time percentage ay umabot na sa 75.20% nitong Abril.
Read more:
Mo Twister nag-react sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.