Ilang flights ng PAL, AirAsia ililipat ng terminal simula Disyembre
INANUNSYO ng Manila International Airport Authority (MIAA) na magkakaroon ng “reassignments of flights” o paglipat ng terminal ang ilang flights ng Philippine Airlines (PAL) at AirAsia.
Ang mga balikang flights ng United States, Canada, Middle East at Bali na nasa Terminal 2 ng PAL sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) ay mapupunta na sa Terminal 1 simula sa December 1.
Sey sa facebook post ng Naia MIAA, “The transfer of U.S., Guam, Doha, and Bali flights to Terminal 1 is in line with operational requirements in preparation for the busy holiday season.”
Ilan sa mga balikang biyahe na ililipat sa terminal 1 ay ang mga sumusunod:
Bali, Dammam, Dubai, Doha, Riyadh, Toronto, Vancouver, Los Angeles, San Francisco, New York, Honolulu, at Guam.
Narito naman ang listahan ng mga PAL flights na mananatili sa Terminal 2:
Bangkok, Brisbane, Busan, Fukuoka, Tokyo (Haneda), Hanoi, Ho Chi Minh City (Saigon), Hong Kong, Jakarta, Osaka (Kansai), Kuala Lumpur, Macau, Melbourne, Tokyo (Narita), Phnom Penh, Port Moresby, Seoul (Incheon), Singapore, Sydney, Taipei, at Wuhan.
Samantala, sa isang pang FB post ay inanunsyo ng MIAA na ang balikang biyahe mula Manila papuntang Caticlan, Boracay at Cebu ay nasa Terminal 3 na simula December 16.
Sey sa post, “Starting December 16, 2022, all AirAsia flights from Manila to CATICLAN (Boracay) and CEBU will depart and arrive at NAIA TERMINAL 3.
“Meanwhile, all other AirAsia domestic flights will operate from NAIA Terminal 4 and AirAsia International flights remains to operate at NAIA Terminal 3.”
Ayon sa MIAA, ginawa nila ito upang maiwasan ang dami ng tao sa sa partikular na terminal ngayong paparating na ang Holiday Season.
Related chika:
Eroplano mula Korea sumadsad sa Cebu, ilang flights sa Mactan Cebu airport kanselado
Inka Magnaye emosyonal sa first international flight, naantig nang marinig ang sariling boses
Dimples Romana ibinandera ang first solo flight ni Callie: Proud momma is a total understatement
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.