Eroplano mula Korea sumadsad sa Cebu, ilang flights sa Mactan Cebu airport kanselado
SUMADSAD sa “runway” ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) ang isang pampasaherong eroplano na nagmula pa sa South Korea.
Ayon sa isang pahayag ng MCIA na ibinandera sa Facebook, nangyari ang insidente nitong Linggo, Oct. 23 dahil sa malakas na ulan.
“We confirm that at 11:11pm on 23 October Sunday, Korean Air flight no. KE631 from Incheon, South Korea overshot the runway in a landing attempt during heavy rains at the Mactan-Cebu International Airport,” sey sa post.
Sakay ng nadisgrasyang Korean flight ang 162 na pasahero at 11 na crews.
Wala namang nasaktan sa kanila at mabilis na rumesponde ang “emergency personnel” ng airport.
Sey sa pahayag, “No one was hurt during the incident.
“All 162 passengers and 11 crew onboard the A330 aircraft were immediately evacuated and tended to by airport emergency personnel.”
Dahil sa nangyari, kinansela muna ng MCIA ang lahat ng kanilang operasyon, kabilang na riyan ang ilang flights na papunta o nanggaling sa naturang airport.
Pinapayuhan nila ang mga pasahero na makipag-ugnayan na muna sa kanila bago magpunta sa airport.
Saad ng airport, “The incident has necessitated the temporary closure of the MCIA runway to allow for the safe removal of the aircraft.
“For now, all international and domestic flights to and from MCIA are canceled until further notice.
“We are working with Korean Air, the Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA), and the Civil Authority of the Philippines (CAAP) for the swift resolution of this matter.
“Updates will immediately be given once available.
“Passengers with flights to and from MCIA are advised to coordinate with their respective airlines first before proceeding to the airport.
Ayon naman sa Civil Authority of the Philippines na may pinadala na silang team sa Cebu upang imbestigahan ang nangyaring insidente.
Read more:
Megan, Mikael ‘umeksena’ sa airport, 2 buwan magkakahiwalay bilang mag-asawa
Misteryosong busina ng barko sa Cebu City sanhi nga ba ng pagkamatay ng ilang residente?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.