2 patay, 16 sugatan matapos tumaob ang jeep sa Commonwealth Ave.

PHOTO: Quezon City Police District
DALAWA ang nasawi, habang 16 na iba pa ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang pampasaherong jeep at bumangga sa iba pang sasakyan.
Ito ay nangyari sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Linggo, April 14.
Hindi pa pinangalanan ang mga biktima, ngunit ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang 37-year-old na jeepney driver na si Chito Tabilog.
Siya ay naaresto dahil sa reckless imprudence resulting in multiple homicides, physical injury, at damage to properties.
Baka Bet Mo: ‘Exclusive motorcycle lane’ ipinatutupad na ng MMDA sa Commonwealth Ave.,QC
Ayon sa pulisya, bumangga ang jeep na minamaneho ni Tabilog sa kaliwang hulihang bahagi ng isang transport mini bus na minamaneho ni Geraldine Opalla na papalapit sa Kasunduan Street bandang alas-6:30 ng umaga.
“The [jeepney] then veered uncontrollably onto the road pavement, and its front portion crashed into the right side of the Toyota Vios, driven by Danilo Almacin, which was passing through the adjacent lane. As a result of the impact, all three vehicles sustained significant damage,” ayon sa police report.
Dahil sa banggaan, dalawa sa mga lalaking pasahero ang idineklarang dead on arrival matapos isugod sa ospital.
Samantala, 16 na pasahero pa ang nagtamo ng mga sugat at dinala sa East Avenue Medical Center at Quezon City General Hospital.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya si Tabilog at sasampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.