Tigil-pasada ng mga jeep itutuloy mula March 6 hanggang 12
ITUTULOY ng ilang grupo ng mga jeep ang tigil-pasada simula March 6 hanggang 12.
‘Yan ay sa kabila ng anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawigin ang deadline ng hanggang December 31 ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.
Kung maaalala, inanunsyo ng ilang ng jeepney groups na magsasagawa sila ng transport strike bilang pagtutol sa nasabing programa.
Tinatayang nasa 40,000 units ang hindi papasada sa Metro Manila simula March 6.
Sa isang Facebook post, binatikos ng grupong Manibela ang mga lokal na pamahalaan sa umano’y pag-alok ng tulong pinansyal.
Caption ng grupo, “Double time ang mga LGU ngayon para kausapin mga Local Transport at pinangakuan na naman ng ayuda.”
Anila, “So dapat pala laging may pa tigil pasada para may Ayuda? [laughing emoji] Tuloy ang Tigil Pasada!”
Kamakailan lang ay sinagot din ng Manibela ang tungkol sa pag-extend ng deadline sa modernization program at mukhang hindi sila kumbinsido sa ipinangako ng LTFRB.
Ayon sa kanila, “Pinapakalma lang tayo pero sa dulo mawawala pa din ang hanapbuhay natin kasi extension lang tapos palit unit pa rin.”
Read more:
Beep jeep terminal sa Araneta City sarado muna, pinsala ng sunog umabot na sa P245-M
Kris Bernal itutuloy na ang kasal ngayong September: This may not be my dream wedding but…
Ilang miyembro ng Ben&Ben nag-positive rin sa COVID-19, concert sa Dubai hindi na muna itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.