Jonas Brothers nag-enjoy sumakay ng jeep

Jonas Brothers nag-enjoy sumakay ng jeep, tuwang-tuwa sa Pinoy fans

Pauline del Rosario |February 24,2024
facebook
share this

Jonas Brothers nag-enjoy sumakay ng jeep, tuwang-tuwa sa Pinoy fans

Pauline del Rosario - February 24, 2024 - 05:39 PM

Jonas Brothers nag-enjoy sumakay ng jeep, tuwang-tuwa sa Pinoy fans

PHOTO: Instagram/@jonasbrothers

MAKALIPAS ang mahigit sampung taon, bumisita ulit ng Pilipinas ang sikat na international boy band na Jonas Brothers!

Agaw-pansin sa social media ang magkakapatid na sina Joe, Kevin at Nick Jonas na sumakay ng jeep papunta sa venue ng kanilang concert sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa tuwa ng banda, nagkaroon ng live streaming si Joe habang bumabyahe.

Tila nirentahan ng tatlo ang buong jeep at mapapanood na may kasama silang ilang staff at may naka-escort din na mga pulis.

Burado na ang live video ni Joe, pero ito ay shinare ng TikTok user na nagngangalang @faithh.mariaa.

“It’s a beautiful day… It’s very comfortable,” sey ni Joe kasabay ng biro niya na nais niyang dalhin sa stage ang jeep.

Baka Bet Mo: Jona choosy pagdating sa lalaki: Hindi ako nagmamadaling magka-lovelife pero sana mahilig din siya sa mga hayop…

@faithh.mariaa Not me actually shocked that Joe went live 😻 #joejonas #nickjonas #kevinjonas #jonasbrothers #instagramlive #foryoupage #fyp ♬ original sound – Faith¹³

Sa isang Instagram post naman, ibinandera ng magkakapatid ang ilang moments sa naganap na pagtatanghal.

Kalakip niyan ay ang kanilang pasasalamat sa fans na dumalo at nakisaya sa “The Tour” concert.

“Manila… You were LOUD last night! What a way to kick-off the international leg of ‘The Tour,’” saad sa caption.

Mensahe pa nila,“Couldn’t have asked for a better first night back. Thank you for having us!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jonas Brothers (@jonasbrothers)

Kung maaalala, huling nagpunta ang trio sa ating bansa noon pang 2012 para rin sa isang concert.

Matapos ang Manila leg kamakailan lang ay nagtungo naman sila sa Jakarta, Indonesia.

Ilan lamang sa mga pinasikat na kanta ng Jonas Brothers ay ang “Lovebug,” “When You Look Me in the Eyes,” “S.O.S.,” “Leave Before You Love Me” and “Sucker,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending