Ms. Philippines, Mr. Pilipinas Worldwide back-to-back ang finals

The Miss Philippines, Mister Pilipinas Worldwide back-to-back ang finals competition sa Oct. 24

Pauline del Rosario - September 24, 2023 - 05:31 PM

The Miss Philippines, Mister Pilipinas Worldwide back-to-back ang finals competition sa Oct. 24

PHOTO: NQUIRER.net/Armin P. Adina

BACK-TO-BACK na masasaksihan ang mga magwawagi sa nalalapit na kompetisyon ng “The Miss Philippines Culture and Heritage Celebration” at “Mister Pilipinas Worldwide.”

Pareho itong mangyayari sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa October 24.

Ang male contest ay mag-uumpisa ng 5 p.m., habang ang The Miss Philippines ay nakatakda namang mag-start ng 6:30 p.m.

21 na naggagandahang kababaihan sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas at mula sa Filipino communities ng Estados Unidos ang maglalaban-laban sa The Miss Philippines.

Nasa 17 naman ang mga kalalakihang sasabak sa Mister Pilipinas Worldwide contest.

Baka Bet Mo: Pang-back-to-back kay Alexandra Mae Rosales sa Miss Supermodel Worldwide pipiliin na

Bago ang napipintong finale ng dalawang pageants, magsisilbi silang influencers upang i-promote ang kultura ng ating bansa sa kauna-unahang “The Filipino Festival” sa pamamagitan ng “The Filipino Food and Products Fest,” “The Filipino Fashion,” “The Filipino Music Fest” at “The Filipino Film Festival.”

Bukod sa mga pasabog na ‘yan, napag-alaman din namin na hindi na magkakaroon ng “swimwear” competition ang parehong pageants.

At bilang kapalit ng evening gown contest, magkakaroon ng “red carpet moment” ang The Miss Philippines kung saan ang mga babae ay pwedeng magsuot ng kahit anong outfits para sa kanilang formal wear na hindi limitado sa gowns.

Kinumpirma din ng Mister Pilipinas Woirldwide na imbes magkaroon ng question-and-answer round, ang mga kandidata ay bibigyan ng plataporma na kung saan pwede nilang talakayin ang kanilang mga adhikain.

Ang mga mananalo sa mga nabanggit na kompetisyon ay mabibigyan ng pagkakataon na irepresenta ang Pilipinas sa prestihyosong international competitions.

Maliban sa custom trophy na disenyo ni Jef Albea, bibigyan din sila ng brand-new Wuling mini electric vehicle.

Ang titleholder ngayon ng The Miss Philippines ay si Miss Supranational first runner-up Pauline Amelinckx, habang si Mister Pilipinas Supranational Johannes Rissler ang nakatakdang magpasa ng mga titulo sa mga mananalo.

Related Chika:

Herlene Budol pasok sa Top 15 finalists ng Miss Grand Philippines 2023, iba pang kandidata pinangalanan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss Universe Philippines delegates makakasama ang Mister Pilipinas Worldwide candidates ngayong May 6

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending