MUPH delegates makakasama ang Mr. Pilipinas Worldwide candidates

Miss Universe Philippines delegates makakasama ang Mister Pilipinas Worldwide candidates ngayong May 6

Armin P. Adina - May 06, 2023 - 01:47 PM

Miss Universe Philippines delegates makakasama ang Mister Pilipinas Worldwide candidates ngayong May 6

Miss Universe Philippines delegates/ARMIN P. ADINA

MAKARAAN ang pagbiyahe kung saan-saan, hindi pa rin magpapahinga ang mga kandidata ng 2023 Miss Universe Philippines pageant.

Ngayong gabi, sasamahan nila ang mga kandidato ng Mister Pilipinas Worldwide contest para sa final competition ng patimpalak na panlalaki.

Itatanghal ‘yan sa Cove Manila pool club ng Okada Manila sa Parañaque City ngayong Mayo 6, alas-7 ng gabi. Doon din isasagawa ang talent presentation ng Miss Universe Philippines pageant.

Mister Pilipinas Worldwide contestants/MISTER PILIPINAS WORLDWIDE FACEBOOK PHOTO

Magugunitang nanggaling sa Eastern Visayas ang mga kandidata na kung saan isinagawa ang national costume competition sa Tacloban City noong Mayo 4.

Nanguna sa nasabing kompetisyon si Airissh Ramos mula Eastern Samar, kasunod sina Joemay Leo mula Benguet at Kimberly Escartin mula Southern Leyte.

Hinirang din sa palatuntunan ang tatlong nagkamit ng mga espesyal na titulo.

Nakuha ni Krishna Marie Gravidez mula Baguio City ang “Tingog ng Filipina Luzon,” habang nagwagi ng “Tingog ng Filipina Mindanao” si Jannarie Zarzoso mula Mindanao, at tinanggap naman ni Ramos ang pagkilala bilang “Tingog na Filipina Visayas.”

Baka Bet Mo: Pang-back-to-back kay Alexandra Mae Rosales sa Miss Supermodel Worldwide pipiliin na

Bukod diyan, ipinakilala na rin ng Miss Universe Philippines ang mga nanguna sa huli nitong online challenge, ang “Jojo Bragais Runway Challenge,” ang limang babaeng nakalikom ng pinakamaraming boto sa MUPH mobile app sa panahon ng botohan.

Patuloy ang pag-arangkada nina Zarzoso, Princess Anne Marcos mula Bulacan, at Angelique Manto mula Pampanga sa mga hamon, nakapasok sa Top 5 ng lahat ng botohan, kabilang ang photoshoot challenge at swimsuit challenge.

Nakausad naman sa dalawa si Pauline Amelinckx mula Bohol, third runner-up sa patimpalak noong 2020 at Miss Universe Philippines-Charity noong isang taon. Pasok siya sa Top 5 ng swimsuit challenge at ng Jojo Bragais Runway Challenge.

Nakahabol naman sa huling hamon si Michelle Marquez Dee, Miss Universe Philippines-Tourism noong isang taon, at kinoronahan din bilang 2019 Miss World Philippines.

Isasalin ni Celeste Cortesi ang titulo niya sa tagapagmanang hihirangin sa 2023 Miss Universe Philippines coronation show sa May 13 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Host ang mga Kapuso actor na sina Alden Richards at Xian Lim, at magtatanghal ang “American Idol” runner-up na si Jessica Sanchez at si Nam Woo-Hyun mula sa Kpop group na Infinite.

Babandera rin si reigning Miss Universe R’Bonney Gabriel at 2019 winner Zozibini Tunzi.

Hihirangin sa patimpalak ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2023 Miss Universe pageant na itatanghal sa El Salvador ngayong taon, at sisikaping maitala ang ikalimang panalo ng bansa, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Samantala, hihirangin naman sa Mister Pilipinas Worldwide contest ang mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa ilan sa mga pinakaprestihiyosong pandaigdigang patimpalak na panlalaki—ang Manhunt International Male Supermodel, Mister Supranational, at Mister Global.

Related Chika:

Regine Angeles nagtatrabaho pa rin para makatulong kay mister: Ayokong uminit ulo n’ya at ma-stress sa bayarin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pilipinas back-to-back ang pagkapanalo sa Mister Gay World

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending