Imee Marcos inilabas paunang ulat sa Duterte arrest probe

PHOTO: Facebook/Senator Imee R. Marcos
ISINAPUBLIKO na ni Senator Imee Marcos ang ilan sa mga lumabas sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate committee on foreign relations ukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11.
Aniya ang paunang ulat ay base sa mga naging testimonya ng mga opisyal ng gobyerno sa pagdinig noong Marso 20.
Una aniya, lumabas na isinuko ng gobyerno si Duterte dahil walang legal na obligasyon ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Diin niya walang red notice mula sa Interpol kundi diffusion notice lamang ang ginamit ng pambansang pulisya sa pag-aresto sa dating pangulo.
Baka Bet Mo: Honeylet sa pag-aresto kay Duterte: Kinidnap n’yo siya, wala kaming laban
Sinabi pa ni Marcos na hindi katanggap-tanggap ang paggamit ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa International Humanitarian Law bilang basehan sa pag-aresto kay Duterte sa katuwiran na hindi naman “war crimes” ang inaakusa sa huli.
Ipinunto din ng senadora ang ginawang pagsubaybay sa mga galaw ng kampo ni Duterte, gayundin ang pagbibigay suporta ng AFP sa PNP at ang pag-amin ni Interior Sec. Jonvic Remulla na kumilos sila base sa tsismis.
Binanggit din ni Marcos sa ulat ng kanyang komite ang mga paglabag sa mga karapatang-pantao ni Duterte at hindi pagsunod sa tamang proseso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.