Kitty Duterte nangungulila sa ama: We’ll be waiting for your return home!

PHOTO: Instagram/@veronicaduterte
RAMDAM na miss na miss na ni Veronica “Kitty” Duterte ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakadetine sa International Criminal Court (ICC) sa The Netherlands.
Sa bagong Instagram post ni Kitty, emosyonal niyang inihayag ang kanyang pangungulila at labis na lungkot dahil hindi niya kapiling ang ama.
“Da, it wouldn’t bother me one bit if I had to send you letters every single day, because I know how much you love them,” bungad niya, kalakip ang masayang throwback picture nila ni Mr. Duterte.
Ibinunyag din ni Kitty ang hindi alam ng publiko tungkol sa dating Pangulo na isang “sentimental” na tao, lalo na pagdating sa mga anak.
Baka Bet Mo: CIDG Director sa pagmumura ni Kitty Duterte: Ayos lang, kumapal na balat ko
“You keep all his little girl’s letters hung up on his wall, even to this day. And to think I am turning 21 now, but you display those decade old papers like they’re trophies,” chika niya, kasabay ng pagmamalaki sa pagiging isang mabuting ama ng dating presidente.
Pag-alala pa ng presidential daughter, “It’s safe to say I’m one of the loneliest these days, because I’m pretty sure I’m the only one left who’s used to sleeping beside you at 20 years old.”
“The room is so different now, without the loud snoring and the sleep talking in bisaya. I have no one to fight over the aircon temperature, the TV volume or which lights to leave on,” kwento pa niya.
Mensahe niya sa ama, “I am thinking of you everyday dada, not just me, but the millions of people with this immense love for you.”
“We will be waiting for your return home!” Giit pa ni Kitty.
View this post on Instagram
Kamakailan lang, nagdiriwang ng 80th birthday ang dating pangulo habang siya ay nakakulong sa The Hague.
Ayon sa mga ulat, ang mga nakasama ni Mr. Duterte ay ang partner na si Honeylet Avanceña at kanilang anak na si Kitty.
Bukod diyan, nagsilbing regalo sa dating chief executive ang ipinadalang isang bag na puno ng mga damit mula Davao, pati na rin ang paborito nitong sugar-free soft drink.
Samantala sa Pilipinas, kaliwa’t-kanang kilos-protesta ang nangyari sa birthday ni Mr. Duterte.
Nagkaroon ng prayer rallies ang kanyang mga tagasuporta upang ipanawagan ang kanyang pagpapalaya, habang ang mga anti-Duterte naman ay nagparada ng isang mock coffin na may mga larawan ng mga biktima ng anti-drug campaign upang ipanawagan ang hustisya.
Kung matatandaan, noong March 11 nang inaresto si Mr. Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay ng kasong crimes against humanity na isinampa ng ICC.
Ang kaso laban sa dating chief executive ay may kaugnayan sa madugong kampanya laban sa droga mula November 2011 hanggang March 2019, kung saan inakusahan siyang “indirect co-perpetrator” sa Oplan Tokhang.
Nakatakdang isagawa ang pretrial hearing ng dating pangulo sa September 23 upang alamin kung sapat ang ebidensya at kung itutuloy ang paglilitis sa kanya na maaaring tumagal ng ilang taon.
Kung mapatunayang nagkasala, maaari siyang mahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.