CIDG Director sa pagmumura ni Kitty: OK lang, sanay na 'ko

CIDG Director sa pagmumura ni Kitty Duterte: Ayos lang, kumapal na balat ko

Ervin Santiago - March 13, 2025 - 05:50 PM

CIDG Director sa pagmumura ni Kitty Duterte: Ayos lang, kumapal na balat ko

Rodrigo Duterte, Gen. Nicolas Torre at Kitty Duterte

“PAGBIGYAN na natin. Bata pa ‘yun eh!” Ito ang naging pahayag ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Major Gen. Nicolas Torre matapos murahin ni Kitty Duterte.

Harap-harapang minura ni Kitty ang heneral dahil sa matinding galit na nararamadaman nang arestuhin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga nagawang “crimes against humanity.”

Hindi napigilan ng dating presidential daughter na ilabas ang matinding galit  habang nasa Villamor Air Base si Duterte Duterte matapos arestuhin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Martes, March 11.

Mismong si Kitty ang nag-upload sa social media ng video kung saan maririnig si Torre na nagpapailiwanag kung saan isasakay si Duterte para dalhin sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, The Netherlands.

Habang nagsasalita ang opisyal ng PNP ay biglang sumigaw si Kitty ng “Sabihin niyo kung saan siya dalahin, t**** i*a ka!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ito naman ang mababasa sa caption ng ipinost na video, “They are taking him out on a plane by force without considering his health conditions.”

Nang matanong tungkol sa ginawa ng anak ni Digong, okay lang daw iyon sa kanya at ayaw niyang personalin ang dalaga.

“Ayos lang ‘yon. I’ve seen worse. Kaya kumapal ang balat ko, sanay na ‘ko sa mura eh,” ang natatawang pahayag ni Torre sa isang panayam.

“Pagbigyan na natin. Bata pa ‘yun, eh. Marami pa siyang maiintindihan sa mundo pagdating ng panahon, nothing personal,” aniya pa.

Samantala, may mga bumatikos naman kay Kitty at sinabihang tumigil na to sa kanyang ginagawang strategy ng pagpapa-victim.

“Stop this pa-victim behavior. Your family is not the victim. Your father is the victimizer,” ang hirit ni Renee Louise Co, ang first nominee sa tumatakbong Kabataan partylist ngayong midterm elections.

“In the eyes of Filipinos, Duterte will always be the dictator, murderer and victimizer, never the victim. Kitty Duterte’s social media activity is ironic and insulting to a lot of youth who lived through Rodrigo Duterte’s bloody regime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You and your family are playing victims despite your complicity and deafening silence over your father’s war on drugs that killed 30,000 Filipinos, many of them youths,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending