Paring Pinoy sa Roma nagbabala sa mga fake news tungkol kay Pope Francis

Pope Francis
NAKIUSAP sa publiko ang isang paring Filipino na naka-base sa Roma na maging maingat sa pagpo-post at pagse-share sa social media tungkol sa health condition ni Pope Francis.
Hanggang ngayon ay nananatiling nasa kritikal na kundisyon ang Santo Papa at patuloy na sumasailalim sa medical treatment dahil sa double pneumonia.
“Please be cautious about spreading false reports regarding Pope Francis’ (supposed) death,” ang panawagan ni Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino, base sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
“Some even misuse the Vatican News logo to deceive people,” dagdag ng pari.
Sabi pa ni Fr. Gaston, ang “accurate at official updates” tungkol sa kalusugan ng 88-anyos na Santo Papa ay makikita at mababasa sa Vatican News website, “wmWhich will be the first to report any legitimate news.”
Baka Bet Mo: Rosmar na-inspire, hindi nainggit at ginaya paresan ni Diwata: Kabilib!
Nagsalita ang naturang pari matapos kumalat ang fake news sa social media na pumanaw na si Pope Francis kung saan may mga naka-attach pang AI-generated photos ng Church leader na nakahiga sa kanyang hospital bed na may oxygen mask.
View this post on Instagram
Samantala, muling nanawagan si Cardinal Luis Antonio Tagle, proprefect for the Section of First Evangelization of the Dicastery for Evangelization, na patuloy na ipagdasal ang Santo Papa.
“Today, we pray in a special way for Pope Francis,” ani Tagle sa kanyang homily nang magmisa sa Pontificio Collegio Filippino chapel last Sunday.
“In the spirit of communion and as the Gospel states, [we may] be vessels of God’s compassion to him and to many other people who are suffering from illness,” aniya pa.
“The complexity of the clinical situation and the necessary time for the pharmacological treatments to show results require that the prognosis remain guarded,” ang pahayag naman ng Vatican sa tungkol sa kundisyon ni Pope Francis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.