BTS j-hope ibinandera ang suot na military uniform

BTS j-hope ibinandera ang suot na military uniform, nangakong mas pagbubutihan ang training

Pauline del Rosario - May 26, 2023 - 06:03 PM

BTS j-hope ibinandera ang suot na military uniform, nangakong mas pagbubutihan ang training

BTS member j-hope

NAGBIGAY ng surprise update ang BTS member na si j-hope sa kanyang fans!

Sa pamamagitan ng social media, proud na ibinandera ng K-Pop idol ang kanyang selfie habang suot ang military uniform.

Masaya niya ring ibinalita na natapos na niya ang five weeks basic training ng 36th Infantry Division sa South Korea.

Nagpaabot pa siya ng mensahe para sa fans at sinabing sila ang dahilan kaya pinagbubutihan niya ang kanyang training.

Nagpasalamat pa nga si j-hope dahil nakatulong daw sa kanya ang mga sulat na natanggap niya.

Baka Bet Mo: BTS members nakumpleto para ihatid sa ‘military enlistment’ si j-hope

“ARMYs!! I’ve completed [the basic training] well. The letters and support you sent me have been a great help and thanks to that I was able to do my best during training!!!,” sey ni j-hope sa pahayag mula sa Korean media na Soompi.

Pangako pa niya, “I will do my best for the rest of my military service period as well and show you the good sides of me! I love you!!”

“Cellphone is fascinating… Hahaha,” pagbibiro pa ng K-Pop star.

Kung maaalala, naglabas ng opisyal na pahayag ang talent agency ng K-Pop group na BigHit Music nitong Abril at ibinalitang nais maging “active duty soldier” ni j-hope.

Pinayuhan din ng agency ang fans na huwag nang pumunta sa enlistment ceremony ng K-Pop idol upang maiwasan ang posibleng aksidente.

At bago pa sumabak sa military training ang Korean idol ay nagpasa siya ng “notice to cancel” para sa kanyang “enlistment postponement” noong Marso.

Ang ibig sabihin niyan, ano mang oras ay posible na siyang ipatawag upang sumabak na sa military service.

Si j-hope ang ikalawang miyembro ng BTS na tumupad ng military enlistment.

Nauna sa kanya ang pinakamatandang miyembro nito na si Jin na nag-umpisa pa noong Disyembre.

Related Chika:

BTS J-Hope tutuparin na ang military service, kinansela ang ‘enlistment postponement’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Edu na-misplace ang uniform paraphernalia ng heneral: Takot na takot ako, hindi ko alam ang gagawin ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending