BTS J-Hope tutuparin na ang military service, kinansela ang ‘enlistment postponement’ | Bandera

BTS J-Hope tutuparin na ang military service, kinansela ang ‘enlistment postponement’

Pauline del Rosario - February 27, 2023 - 02:23 PM

BTS J-Hope tutuparin na ang military service, kinansela ang ‘enlistment postponement’

PHOTO: Instagram/@uarmyhope

ISANG miyembro ng K-Pop sensation na BTS ang nakatakdang tuparin ang mandatory military service sa South Korea.

Inanunsyo ng music label na Bighit Music sa pamamagitan ng fans platform na Weverse na nagpasa si J-Hope o Jung Ho-seok sa tunay na buhay ng “notice to cancel” para sa kanyang “enlistment postponement.”

Ibig sabihin niyan ay ano mang oras ay posible na siyang ipatawag upang sumabak na sa military service.

“We would like to inform our fans that J-hope has initiated the military enlistment process by applying for the termination of his enlistment postponement,” saad sa inilabas na pahayag.

Bagamat wala pang petsa, tinyak naman ng music label na magbibigay kaagad sila ng update sa fans.

Nanawagan din ang Bighit na patuloy lang suportahan ang K-Pop idol hanggang sa makumpleto nito ang serbisyo sa kanilang bansa.

“We ask you for your continued love and support for J-hope until he completes his military service and safely returns. Our company will spare no effort in providing support for our artist,” saad ng music label.

Nitong buwan ng Pebrero lamang ay napiling maging ambassador si J-Hope ng isang French luxury brand.

Naglabas din siya ng solo documentary series na may titulong “J-hope in the Box” na tungkol sa kanyang debut solo album.

Si Jin o Kim Seok-jin sa tunay na buhay ay ang unang miyembro ng BTS na na-enlist sa military service.

Bago pa magsimula ang kanyang enlistment, trending at nag-viral agad-agad sa social media ang semi-kalbong haircut ni Jin.

Nagsimula ang career ng BTS noong 2013 at mula niyan ay unti-unti nilang narating ang matagumpay na karera pagdating sa music industry.

Dahil diyan ay itinuturing na silang bilang “biggest K-pop act in the world.”

Related chika:

Park Bo Gum discharged na sa kanyang mandatory military enlistment

Paolo Contis trending dahil sa BTS; netizens nainggit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Beatrice Gomez ginawaran ng Military Merit Medal ng Philippine Navy; tuloy ang pagwagayway sa bandera ng LGBTQ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending