Nag-iisang elepante ng Pilipinas na si Mali, pumanaw na
PUMANAW na ang elepanteng si Vishwa Ma’ali o mas kilala bilang “Mali” nitong Martes, November 28, dakong 3:45 ng hapon.
Ang malungkot na balita ay ibinahagi ni Manila Mayor Honey Lacuna sa isang pahayag na inilabas ng Manila Public Information Office.
Si Mali ay ang nag-iisang elepanteng matatagpuan sa Pilipinas na nasa pangangalaga ng Manila Zoo.
“Sa kasalukuyan po ay ginagawa natin ang necropsy upang malaman natin ang tunay na dahilan ng kaniyang pagkamatay,” pagbabahagi ng Manila Mayor.
Three years old lang ang elepante nang ibinigay siya ng bansang Sri Lanka bilang regalo kay Imelda Marcos noong 1977.
Baka Bet Mo: Angel Locsin ka-look alike na si Angel Mystica pumanaw na
Mula pa noon ay isa na si Mali sa mga nagbibigay saya sa bawat batang Pilipino na dumadayo sa Manila Zoo.
Ngunit sa kabila ng sayang idinudulot nito sa maraming Pilipino, bata man o matanda, tinagurian naman ito ng People for the Ethical Treatment of Animals bilang isa sa mga “world’s saddest elephant” dahil nga nag-iisa lang itong naninirahan sa bansa.
Dahil nga rito ay maraming animal welfare groups ang nanawagan na palayain si Mali mula pa sa termino ng ng mga dating alkaldeng sina Joseph “Erap” Estrada at Isko Moreno ngunit rejected ang lahat ng mga apela.
Ayon sa isinagawang necropsy, ang sanhi ng pagkamatay ni Mali ay congestive heart failure secondary to cancer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.