Nadine sa viral white lion na inaabuso sa zoo: It’s heartbreaking!
TILA awang-awang ang aktres na si Nadine Lustre sa isang leon na sinasaktan umano sa isang sikat na zoo sa Ilocos Sur.
Magugunitang nag-viral sa social media ang isang video na makikitang hinihila ang buntot, tinutulak at sinisipa sa binti upang maging kaaya-aya sa picture ng mga turista.
Shinare pa nga mismo ni Nadine sa kanyang Instagram Story ang post ng animal rights group na Animal Kingdom Foundation (AKF) na umaapela sa naturang zoo dahil hindi tama ang ginagawa nito sa mga hayop.
“You probably don’t know this but most of the time, big animals in zoos are drugged or physically threatened so they stay calm enough so people can take photos with them,” caption ni Nadine sa IG.
Wika pa niya, “It’s heartbreaking because it strips them of their natural behavior and well-being.”
Baka Bet Mo: Zoo sa Vigan nag-sorry, netizens beast mode sa pananakit sa leon
Binigyang-diin din ng aktres na mas nag-eenjoy ang mga hayop kung ito ay malayang nakawala sa kanilang natural habitat imbes nakakulong sa zoo at ginagawang entertainment.
“Zoos often confine these majestic creatures to small enclosures, causing stress and depression. While marketed as conservation, zoos frequently prioritize profit over animal welfare, exploiting them for entertainment rather than allowing them to live freely in the wild, where they truly belong,” aniya pa.
Naunang nanawagan ang AKF sa publiko na tigilan na ang pagpapa-picture sa mga hayop sa zoo upang maiwasan ang mga ganitong klaseng animal cruelty.
“There is only one solution to end this. STOP the Selfies as you are also financing the cruel practice,” apela ng foundation.
Humingi naman na ng sorry ang nag-viral na zoo at tiniyak na mananagot ang mga caretaker na nakitang nanakit umano kay King.
Nangako rin sila na hindi na ito mauulit at pag-aaralan daw nilang magkaroon ng bagong protocol upang matiyak na inaalagaang mabuti ang mga hayop.
“Please know that we are committed to making the necessary changes to ensure that our zoo remains a place where animals are treated with the utmost care and respect,” sambit sa bahagi ng pahayag ng zoo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.