Catriona Gray, Sam Milby ikakasal na nga ba?
HOW true kaya ang chika patungkol sa nalalapit na pagpapakasal ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at ng Kapamilya actor na si Sam Milby.
Natanong kasi ang beauty queen nang dumalo ito sa Preview Ball 2022 event kung may plano na nga ba silang dalawa ng aktor na iakyat sa next level ang kanilang relasyon.
“Well, let’s see. I think we’re just taking our time. I really love where our relationship is,” sagot ni Catriona.
Dagdag pa niya, “We’re very supportive of each other. I think we’re just taking our time.”
Taong 2020 nang aminin nina Catriona at Sam sa publiko ang kanilang relasyon at hanggang ngayon ay matibay pa rin ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng pagiging abala nila sa kani-kanilang karera.
Samantala, natanong rin ang beauty queen ukol sa kanyang opinyon sa balitang pinapayagan na ng Miss Universe ang mga babaeng kasal at may mga anak na sumalo sa prestihiyosong beauty pageant sa buong mundo.
“I wouldn’t consider it an issue more as a step towards inclusivity. I think it’s really timely to allow women in whatever capacity to go after the dream of being a Miss Universe,” sagot ni Catriona.
View this post on Instagram
Aniya, hindi daw dapat limitahan ang mga babae para tuparin ang kanilang mga pangarap dahil lamang naging ina na sila o maybahay.
Ngunit kahit na pabor si Catriona sa bagong policy ng Miss Universe ay may mga kuwestiyon at agam-agam rin siya kung paano mapagsasabay ng mananalo ang kanyang responsibilidad sa kanyang pamilya at sa tungkulin bilang Miss Universe.
“I do see it would be difficult for a young mother with young children to balance the responsibility, the scheduled that comes with being a Miss Universe,” diretsahang sabi niya.
Pagpapatuloy pa niya, “It’s a grueling schedule. It pulls you to different parts of the world and you don’t really have a say where takes you.”
Hangad naman ni Catriona na maglalatag rin ng panibagong inclusive measures at guidelines ang Miss Universe organization para sa mga ina at may asawang mananalo sa beauty pageant.
Giit niya, “Miss Universe is a dream and I always believe it’s a platform to represent something. Like we go out there like as a desirable image to have a voice and to be able to amplify that. Why should being married or being a mother limit women from being able to do that, for being a spokesperson, to be an influence.”
Related Chika:
Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today
Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up
Catriona Gray may ‘special participation’ sa Miss Universe PH 2022 coronation night
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.