Chad Kinis sa mga nangungutang na hindi nagbabayad: Parang mga ipis sa basurahan, 'pag inangat mo nagtatakbuhan! | Bandera

Chad Kinis sa mga nangungutang na hindi nagbabayad: Parang mga ipis sa basurahan, ‘pag inangat mo nagtatakbuhan!

Ervin Santiago - February 13, 2022 - 06:43 AM

Chad Kinis

“NAKU, naku, naku, naku, naku! Don’t me!” Yan ang hugot na hugot na punchline ng komedyanteng si Chad Kinis sa lahat ng mga nangungutang na hindi marunong magbayad.

Siguradong napakaraming tinamaan sa parody version na ginawa ng komedyante sa video na inilabas kamakailan ng Young Public Servants organization kung saan nagpaalala si Angelica Panganiban para sa darating na Eleksyon 2022.

May ginawa na ring ganito ang VinCentiments ni Direk Darryl Yap kung saan si Juliana Parizcova Segovia naman ang nasa video na may sarili ring hugot na ipinaglalaban hinggil sa politika.

At kung pinaringgan nina Angelica at Juliana ang mga magnanakaw, plastik, sinungaling at paasang mga politician, binanatan naman ni Chad Kinis ang mga utangerang hindi marunong magbayad. 

Bungad ng komedyante sa video na ipinpst niya sa Facebook, “Nabiktima ka na ba ng ‘Pre, kumusta?’ ’Yung akala mo naalala ka lang nila? ’Yung iba nga sasabihin pa sa ’yo, ‘Uy, bro, tol, sis, mars.’ Biglang, ‘Baka naman?’” 

Knows na knows na raw ni Chad ang style na ito kaya, “Mmmmm…Naku, naku, naku, naku, naku… Don’t me. Alam ko na ang modus na ’yan. Malamang, meron lang ’yan silang kailangan. Ilang buwang ’di nagpaparamdam tapos biglang mangungutang?”

Hirit pa niya, “Kesyo kailangang-kailangan at ang daming dahilan. Ito naman ako, dahil kaibigan ko, dalang-dala ako sa sobrang awa. Awang-awa ako. 

“Siyempre, matagal ko nang kilala, e. Sobrang close nga kami. Pati ang bra’t panty n’ya ako na ang naglalaba. Naging sunud-sunuran pa nga ako na parang aso,” ang chika pa ng komedyante.

Gasgas na gasgas na nga raw ang mga drama ng mga nangungutang ng pera, “Humihiram daw para pang-aral tapos malalaman ko pinangkain lang ng Samgyupsal. Nag-post pa. Tapos sabi, ‘#Blessed.’ Wow! Ang bilis naman n’yang nakalimot.

“Tapos nu’ng nagkita kami, binati ako na parang Koreano. Sabi n’ya, ‘Annyeonghaseyo.’ ‘Annyeong akin? Annyeong akin? ’Yong utang mo!’ Tapos biglang umalis. Annyeong-inamo!

“Ang daming nagsisinungaling para lang makautang. ’Yung iba nagpapaawa, kailangan daw ng pangpa-check up. Pero nu’ng nakuha ’yong pera, aba! Nag-check-in kasama ang dyowa,” reklamo pa ng isa sa mga miyembro ng Beks Battalion.

At eto pa, “Yung iba wala na daw maisaing. Tapos malalaman mo biglang nag-outing. Doon pala magsasaing sabay kain sa dahon ng saging. 

“’Yong iba lalapit sa ’yo, iyak nang iyak kasi ’tong negosyo daw nila bagsak na bagsak. E, pa’nong hindi babagsak, e, talpak ka nang talpak. Tapos lalapit ka sa akin para mangutang ng pamusta? Hinayupak!” ang masama pang loob ng komedyante.

View this post on Instagram

A post shared by Chad Kinis (@chadkinis)


Ang wish daw niya, sana naman ay matutong magbayad ang mga taong marunong mangutang hindi yung sila pa ang pa-victim kapag nagkasingilan na.

“Ang daming malalakas ang loob mangutang pero ’yong responsibilidad na magbayad kinakalimutan. Tapos kapag panahon ng singilan, aba! Sila pa itong galit-galitan?” 

“Tapos magpo-post ka sa social media ng mga luho? Baka gusto mo muna ako i-block kasi nakikita ko! Nakakahiya naman sa ’yo. 

“Kaya sa darating na bayaran ’wag naman kayong magtaguan. ’Wag kayong mawawala sa panahon ng singilan na para bang ipis sa basurahan, kapag inangat mo, nagtatakbuhan!” chika pa ng komedyante.

Sa huli, nagbigay din siya ng advice para sa madlang pipol, “Payo lang sa mga nangungutang, huwag humiram ng hindi kayang bayaran. ’Wag sobrang gastos kung walang pang-tustos. At ’wag na ’wag uutang kung hindi dadalhin sa kapaki-pakinabang,” pahayag ni Chad. 

“Huwag din magsinungaling para lang kaawaan. Baka pag dating nang totoong kahirapan hindi na namin kayo matulungan. 

“At mahalangang paalala para sa mga nangungutang. Inyo rin naman kaming bayaran. Kasi ying aming pinahiram na pera amin ding pinaghirapan,” sey pa ni Chad. 
https://bandera.inquirer.net/299551/chad-kinis-sinorpresa-ang-binatang-walang-maayos-na-tirahan

https://bandera.inquirer.net/280376/2-miyembro-ng-beks-battalion-tinamaan-ng-covid-19-chad-kinis-nahawa-sa-hiniram-na-lip-balm

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/287758/model-businessman-pinatunayan-ang-pagmamahal-kay-chad-kinis-malilisyosong-bashers-hinamon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending