Lassy nanlumo, na-trauma nang malubog ang bahay sa baha: Back to zero!
“PARA kang nagsisimula nanaman…back to zero.”
‘Yan ang panlulumong pahayag ng komedyanteng si Lassy Marquez matapos ang matinding pagbaha nang humagupit ang bagyong Carina sa ating bansa kamakailan lang.
Sa YouTube vlog ng Beks Battalion, ibinandera ni Lassy ang aftermath matapos malubog sa tubig baha ang kanyang bahay na umabot hanggang second floor.
Ayon sa komedyante, aabot sa P500,000 ang halaga ng pinsala, kabilang na ang ilang mga appliances kagaya ng refrigerator, telebisyon, microwave oven, portable speakers, electric fans, gadgets, at marami pang iba.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya makapasok sa noontime show na “It’s Showtime.”
Baka Bet Mo: Pamilya ni Lassy nasangkot sa malaking kaso: Ako ang pinuntirya nila, gusto akong itumba
“[Umabot ‘yung baha] sa second floor, kalahati ng second floor,” sey niya sa kapwa-komedyante na sina Chad Kinis at MC Muah.
Dagdag pa niya, “Ang hirap kasi para kang nagsisimula nanaman. ‘Yung lahat back to [zero].”
“‘Yung itsura nitong [bahay], nakakapagod talaga…Amoy baha. Ang hirap nang kumilos dito, sobra,” wika pa niya.
Sinabi rin ni Lassy na ito ‘yung ikalawang beses na naranasan niyang bahain, pero ito ‘yung nagbigay sa kanya ng “trauma.”
“Nung una ‘yung 2012 na hindi naman umabot ng second floor. Ito ‘yung malala. Sobrang lala na nakaka-trauma talaga,” pag-amin niya.
Tanong naman sa kanya ni Chad, “Tingin mo around magkano ‘yung nawala dito lang sa [first floor]? Tingin mo merong almost kalahating milyon?”
Sagot sa kanya ni Lassy, “Baka.”
Naikuwento rin ni Lassy na nauna niyang pinalikas ang kanyang pamilya nang bumaha sa kanilang bahay.
Pinapunta niya raw ang mga ito sa ikalawang bahay nila na may balkonahe upang doon mag-antay ng rescue team.
At dahil siya raw ang huling nag-evacuate, kinailangan niyang languyin ang tubig baha at ginawa pa nga raw niyang salbabida ang isang galon ng tubig dahil mabilis tumaas ang baha.
Nachika rin ng komedyante na tumaob pa nga ‘yung rescue boat na nagsundo sa kanyang pamilya at dahil sa nangyari ay nawala ‘yung urn ng yumao niyang ama na isinama nila sa paglisan.
Pero mabuti nalang daw ay nakuha pa rin niya ito matapos niyang languyin ulit.
“Nakakapagod pero kaya naman. Kasi ‘di ba ‘yung tatay ko mahigit two months pa lang namamatay, tapos ito na naman,” lahad ni Lassy.
Sa ngayon, ang komedyante at ang kanyang pamilya ay naninirahan muna sa isang temporary home.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.