Jason Hernandez tuloy tuloy ang pa-'soft launch' ng kanyang mystery girl | Bandera

Jason Hernandez tuloy tuloy ang pa-‘soft launch’ ng kanyang mystery girl

Therese Arceo |May 20,2023
facebook
share this

Jason Hernandez tuloy tuloy ang pa-‘soft launch’ ng kanyang mystery girl

Therese Arceo - May 20, 2023 - 01:21 AM

Jason Hernandez tuloy tuloy ang pa-'soft launch' ng kanyang mystery girl

MUKHANG walang makakapigil sa singer-songwriter na si Jason Hernandez sa pagbabandera ng kanyang “mystery girl”.

Lately kasi ay naging maingay ang pangalan nito matapos i-flex sa social media ang isang babae na sa pag-aakala ng madlang pipol ay ang kanyang estranged wifey na si Moira dela Torre.

Ngunit pinabulaanan ni Moira ang mga espekulasyon ng mga netizens at sinabing hindi siya ang babaeng kasama ni Jason aa mga larawan sa kabila ng pagkakaparehas ng singsing at bracelet niya sa suot ng babae sa larawan.

Ngunit tila tuloy-tuloy at walang balak prumeno ang estranged hubby ni Moira dahil muli na naman itong nag-flex sa social media sa pamamagitan ng short video clip na uploaded sa kanyang Instagram page.

Makikitang tila nag-uusap si Jason at ang mystery girl habang nakatanaw sa sikat na Golden Gate Bridge na matatagpuan sa California,USA.

Sa bandang dulo ng clip ay makikitang isinandal ng babae ang kanyang ulo sa balikat ng singer-songwriter.

Baka Bet Mo: Jason Hernandez trending dahil sa ibinanderang ‘mystery girl’, nagkabalikan nga ba sila ni Moira dela Torre?

Noong Huwebes, May 11, unang ibinahagi ng singer-songwriter ang larawan kasama ang mystery girl.

May 12, sa concert ni Moira sa Pasay ay pasimple niyang dinenay na siya ang nasa larawan kasama si Jason at ipinakitang silver ang kanyang singsing at hindi gold gaya ng nasa larawan.

May mga netizens naman ang agad na nag-imbestiga kung sino nga ba ang bagong ipini-flex ng estranged husband ni Moira.

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag si Jason kung sino ang mystery girl at kung ito na nga ba ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso.

Matatandaang May 2022 nang aminin ng singer-songwriter sa madlang pipol na hiwalay na sila ni Moira.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ex ni Moira na si Jason Hernandez may bagong ‘hugot’ song tungkol sa pagsisisi, pag-aayos ng relasyon

Jason Hernandez sa mga parinig daw ni Moira: ‘Tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako…I deserve it’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending