Bagong hugot song ni Moira dela Torre trending, reaksyon ng fans: Level up ang gigil at sakit! | Bandera

Bagong hugot song ni Moira dela Torre trending, reaksyon ng fans: Level up ang gigil at sakit!

Pauline del Rosario |April 03,2023
facebook
share this

Bagong hugot song ni Moira dela Torre trending, reaksyon ng fans: Level up ang gigil at sakit!

Pauline del Rosario - April 03, 2023 - 03:00 PM

Bagong hugot song ni Moira dela Torre trending, reaksyon ng fans: Level up ang gigil at sakit!

PHOTO: Instagram/@moiradelatorre

PATOK na patok sa maraming netizens ang latest hugot song ng OPM singer-songwriter na si Moira Dela Torre.

Pinamagatan itong “Eme” na tungkol sa mga manloloko at  mukhang patama pa sa kanyang dating mister na si Jason Fernandez.

Ang agaw-pansin sa fans ay ‘yung chorus sa kanta na ramdam ang pagkagigil ng singer at may nais iparating.

Narito ang buong lyrics:

“ang kapal ng mukha mo 

wala na ngang tayo 

ba’t parang di pwede lumaya

wala naman akong kasalanan

wag kang parang g*g*

kung magkaron man ako’ng bago

di ko kailangang magpaalam

sa ilang taong nangloko

nagpaalam ka ba”

Baka Bet Mo: Moira dela Torre game na uli ang puso na ma-in love, pero hindi naman daw atat na magkadyowa agad-agad

Narito naman ang mga komento ng ilang netizens na feel na feel ang bagong kanta:

“Isang malaking sampal. Moira, ikaw na talaga. Mind-blowing every phrases. Worth the wait!”

“Unang dinig ko pa lang sa song, ang sakit sakit. Patunay lang na every single mo, pa level up yung sakit. Grabe ka na talaga ate moi, ang dami mo na talagang pinagdaanan. Galing! Keep it up [clapping hands emoji].”

“Thank you po, Ate Moi! Your songs always get me through my confusing thoughts and become such a good vessel to vent my frustrations and whatever else I’m feeling.”

As of this writing ay tatlong araw nang uploaded sa YouTube ang “Eme” song ni Moira at ito ay pasok sa “Top 10 Trending for Music” ng nasabing video sharing platform.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Derek-Ellen karga challenge’ patok na patok sa socmed; mga magdyowa kumasa sa hamon

Gerald Sibayan todo linis ng bahay para sa pagbabalik ni Ai Ai sa US: Sige Darl, para bunganga ng asawa mo… alam mo na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending