Vilma, Edu dinala sa Libingan ng mga Bayani si Luis noong ipagtapat na maghihiwalay na | Bandera

Vilma, Edu dinala sa Libingan ng mga Bayani si Luis noong ipagtapat na maghihiwalay na

Ervin Santiago - August 25, 2021 - 04:29 PM

Vilma Santos, Ryan Christian Recto, Edu Manzano, Ralph Recto, Luis Manzano at Jessy Mendiola

TANDANG-TANDA pa rin ng Star for All Seasons na si Vilma Santos kung ano ang sinabi ni Luis Manzano nang maghiwalay sila noon ni Edu Manzano.

Naikuwento ni Ate Vi sa latest YouTube vlog ni Luis ang araw nang ipagtapat na nila ni Edu sa panganay nilang anak na kailangan na nilang magkanya-kanya ng landas.

Sabi ng award-winning veteran actress, naaalala pa niya ang reaksyon ni Luis noong nalaman nitong maghihiwalay na sila ng dating asawa.

Sey ni Ate Vi, four years old pa lamang noon si Luis, “Unfortunately, hindi naging successful ‘yung marriage namin ni Eduardo. I think you were four years old then, anak.”

Aniya pa, dinala nila noon si Luis sa Libingan ng mga Bayani para doon sabihin sa kanya ang nangyayari sa relasyon nila ng ama.

“Kaya ka namin doon dinala ng Daddy mo kasi walang tao doon. Basta ‘yun ang naaalala ko. And then kinausap ka naming dalawa.

“Kahit na four years old ka noon, pinalwanag namin kung ano ‘yung nangyayari sa relationship namin. At pinaalam namin sa iyo na mahal ka naming dalawa,” pahayag ng actress-politician.

“Alam mo kung anong sinagot mo anak? Naalala mo? Sabi lang niya sa amin, ‘It’s okay. Boy need girl, girl need boy.’ ‘Yun ang sinabi mo anak,” pagbabalik-tanaw pa ni Ate Vi.

Kung matatandaan, naghiwalay sina Vilma at Edu noong 1982 makalipas ang dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa. Biniyayaan nga sila ng isang anak at yan ay si Luis.

Taong 1992 naman nang magpakasal ang aktres sa senador na si Ralph Recto at nagkaroon din sila ng isang anak na pinangalanan nilang Ryan Christian.

Kuwento pa ni Vilma, nanatili pa rin silang magkaibigan ni Edu kahit na nasira ang kanilang pagsasama as married couple.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Anyway kami ngayon ng dad mo, napakaganda ng aming pagsasamahan. Meron din siya, at maligaya siya sa kanyang buhay ngayon, and same here. Basta ang importante, we’re one family, anak,” pahayag pa ni Ate Vi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending